7th Piece

366 6 0
                                    

Pov ni Kathryn

Alam niyo ba kung ano ang ginagawa namin ngayon?

Katatapos lang namin kumain at naglalakad kami dito sa park.

Fresh air.

*Breathe in*

Sarap ng sariwang hangin at ang katahimikan.

Narinig ko naman siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya.

Tiningnan niya lang ako at tinuro yung nasa harapan na direksyon.

Nakikita ko ang isang babae at lalaki na nakatingin lang sa isa't isa na parang nahihiya.

"Naghahabulan sila kanina kaya nadapa yung lalaki at yung babae pa ang sumalo sa kanya." Napangiti naman ako sa sinabi ni Daniel.

"Oh, ngumiti ka." sabi niya.

"Bawal ba?" tanong ko na may ngiti pa rin sa labi.

"Hindi. Namiss ko lang."

Okay.

Sarap pakinggan ah.

"Kung madapa kaya ako, sasaluin mo ba ako?" out of blue kong tanong.

"Oo naman. Anong klaseng lalaki ako kapag nakita kong nadapa ang napakagandang babae?" napatingin ako sa kanya at ngumisi.

"Nahulog ka na dati, mabuti na lang at nasalo kita." dagdag niya kaya napahinto ako.

"Bakit ka huminto?" tanong niya.

"Cheesy ka pa rin eh noh." sabi ko. Ngumiti lang siya.

"Ako pa." sabi niya at inakbayan niya ako.

"Wag mong ilagay yung braso mo sa leeg ko. Ang bigat Padilla." sabi ko naman. Salamat at kinuha naman niya yung braso niya.

"Okay." sabi niya at agad hinawakan ang kamay ko.

O____O

Magrereklamo pa ako sana pero inunahan niya ako.

"Ngayon lang." So, hinayaan ko naman siya. Naglalakad kami at naghahawakan ng kamay. Hindi siya awkward, medyo sanay na ako.

Nagswiswing ako at nasa kabilang swing siya.

"Childish mo pa rin." sabi niya. Ningitian ko lang siya at nagpatuloy sa pag-swing. Hindi ko alam kung bakit ako ngumingiti sa lalaking ito.

"Sorry." Napahinto ako sa pag-swing dahil sa sinabi niya.

"Sorry sa lahat ng ginawa ko." dagdag niya. Umiwas lang ako ng tingin.

Sa liit ng panahon, hindi ko man lang naisip ang nakaraan namin. Bigla akong tumayo.

"Uwi na tayo. Mga 7 na kasi." ngumiti siya nang nakakalapad at hinila niya ako.

"Last na lang." Hindi na ako nagsalita at ipinasok niya ako sa sasakyan niya.

Bigla namang tumugtog sa sasakyan yung duet namin na Got to Believe sa isa't isa kaya napatingin ako sa kanya na ngumingiti lang.

"Baliw. Akala ko naipass na natin kay ma'am iyan." sabi ko.

Project kasi namin iyon at kami ang naging magpartner.

Inihinto naman niya yung sasakyan sa gilid.

"Pasaway kasi ako eh. Sarap kasi pakinggan ang boses mo. Ikinuha ko kay ma'am ng walang paalam."

Hinampas ko naman siya sa braso at tumawa lang siya.

Broken Pieces (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon