Pov ni Daniel
Papasok ako sa cafeteria kasama si Quen at ang banda kong Parking 5.
Astig na kung astig.
Hindi lang nagmamayabang pero nagsasabi lang ako ng totoo.
Astig kami.
Lumalakad kami habang nakatingin ang mga tao sa amin.
Siguro, naninibago lang dahil noon, hindi ko kasama ang banda ko. Nag-iisa lang ako o si Quen lang yung kasama ko.
Nakita ko na papasok sa kabilang pinto si Kathryn kasama sina Yves, Miles at Ramos.
Ngumisi ako.
Alam ko yung plano mo Kath, sinasadya niya ito para masaktan ako.
Paano ko nalaman?
Instinct.
Papalapit sa amin sina Kath.
"Oh, Daniel, kamusta?" tanong niya. Ngumiti naman ako.
"Okay na okay. Nandito ka kasi." Iniwas niya yung tingin at hinawakan yung kamay ni Khalil.
Kahit anong mangyare, ipapatuloy ko pa rin itama yung mali ko.
Pov ni Kath
"Nasa langit na ba ako?" tanong ni Daniel sa katabi niyang si Lester.
"Bakit?" tanong naman ni Lester.
"May anghel kasi sa harapan ko." sabi niya.
Tss.
Walang effect.
Luma na yan.
"Hindi pa ako patay kaya hindi pa ako anghel." sabi ko.
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Papatayin kaya kita sa kilig." sabi niya.
"Really ah? Ikaw ang mamatay sa hiya." sabi ko at lumakad na pero, sinadya kong ibuhos yung juice na hinahawakan ko sa damit niya.
"Oops. Sorry baka malalanggam ka." sabi ko. Ngumiti lang siya.
"Okay lang. Kanina pa kaya ako nilalanggam, ang sweet ko kaya." pagmamayabang niya.
"Oo nga noh." Napatingin siya sa akin at halatang masaya yung kanyang mga mata.
"Kaya nga dapat magpapalayo ako sayo dahil ang daming langgam. Ew ah." sabi ko at lumabas na sa cafeteria.
Wala na akong ganang kumain.
Biglang nag-vibrate yung phone ko kaya binasa ko yung message galing kay Khalil.
Sinundan ka ni Daniel. Bilisan mo ang lakad. Hindi na kmi sasabay. Kain lng kmi. sorry babe.
Binilisan ko naman ang lakad ko at nakapasok ako sa library.
Kumuha ako ng aklat at tumitingin-tingin sa pinto ng library.
Hay.
Salamat.
Hindi ako nasundan.
"Hinahanap mo ba ako?" Napahawak ako sa puso ko nang may bumulong sa akin.
"Tss. Umasa ka." sabi ko habang patingin-tingin sa damit niya.
"Why are you wearing that, Daniel?" iritadong tanong ko.
"Maganda naman ah. Nagpapasalamat nga ako na binuhos mo yung juice sa akin." sabi niya.
"The best monthasary gift kaya ito galing sayo. Picture nating dalawa oh. Ang cute mo kaya dito sa damit ko."
