2nd Piece

495 8 0
                                        

Pov ni Daniel

Nilalaro ko yung pagkain.

Wala akong gana.

Wala na.

"Dj, wag laruin yung pagkain." Napatingin ako kay Quen.

"Sinabi ko diba na ayaw kong kumain, bumili ka pa rin." Nag-lean ako sa upuan at pinikit ang aking mga mata.

*Buntong hininga*

"Hi Quen!" Lumakas yung tibok ng puso ko nang narinig ko yung boses niya. Umayos ako ng upo at binuksan na yung mga mata ko.

"Kath." sabi ni Quen at tumingin sa akin. Tumayo siya.

"Kamusta? Two years kang nawala. Baka nakalimutan mo na ako." tanong niya habang patingin-tingin sa akin.

"Siyempre naman. Hindi kita na kalimutan. Ako yung kinampihan mo kaysa sa bestfriend mo noon, diba?" napatingin ako sa kanya.

Geez.

Hindi ko kayang tumingin sa kanya.

Ang sakit.

"Ah eh. Siyempre." sabi ni Quen. Hindi niya alam ang sasabihin. Ako rin eh.

"Oh Daniel, bakit hindi ka pa kumakain?" tanong niya kaya nabigla ako.

Napatingin ako sa kanya na grabe yung ngiti.

Speechless ako.

Walang masabi.

at ang sakit.

Mahal ko pa rin ang babaeng nasa harapan ko.

Tumitingin lang ako sa kanya ng biglang tumulo yung luha ko kaya pinahiran ko kaagad.

Nakita kong iniwas niya ang tingin.

Ang sakit din sa parte ko.

Mahal kita Kathryn.

Mahal na mahal.

Pov ni Kathryn

Tumulo yung luha niya?

Tss.

Best actor ah.

Wag kang magpapapekto Kathryn.

Wag na wag.

"Babe." Napalingon ako kay Khalil na papalapit sa akin. Dito na rin siya nagschool.

Anyway, best actor din si BBB.

Inakbayan niya ako.

Alam na niya ang plano.

"Ah babe si Quen pala. Quen, si Khalil, my trustworthy boyfriend."

Inemphasize ko yung word na trustworthy kaya napatingin sa akin si Daniel. Ngumiti ako sa kanya. Bitter na ngiti.

"Babe, si Daniel pala. Daniel, si Khalil." magsheshake hands sana si BBB pero tiningnan lang ni Daniel yung kamay niya.

"Hindi nangangain ang boyfriend ko. Mabait lang talaga siya." Tumayo bigla si Daniel at nagshake hands kay Khalil.

"Nice neeting you pare." sabi niya at umalis.

"Wait Daniel!" Tumingin si Quen sa akin.

"Mauna na ako." sabi niya at sinundan si Daniel.

*Buntong Hininga*

Gumaganti ako, Daniel.

Pov ni Khalil

Nakatayo kami pareho ni Kathryn.

"Kath." Napatingin siya sa akin nang tinawag ko siya.

"Oh, ano yun babe?" tanong niya.

"Tss. Ituloy na ba talaga natin ang plano?" tanong ko sabay kuha ng kamay ko sa balikat niya at hinawakan ang dalawang kamay niya.

"Nagawa na nga natin diba?" Bumuntong hininga ako at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"Ayaw ko lang na masaktan ka. Ayaw ko. Ayaw na ay-"

"Napag-usapan na natin ito. Please." pagmamakaawa niya.

Tumingin lang ako sa ibang direksyon.

"Sige." sagot ko kaya niyakap niya ako.

"Thanks Khalil. Mahal na mahal kita." Ngumiti naman ako.

Sana nga mahal mo ako.

Dahil mahal na mahal kita, Kathryn.

Napatingin ako sa kaliwa at nakita kong nakatayo doon si Daniel na kinakagat yung labi.

Ang lahat pala na sinabi ni Kathryn ay plano lang.

Kakalas na sana ako sa yakap nang nagsalita siya.

"Wait. Hindi pa siya lumalabas."

Ang sakit.

Mahal kita Kathryn.

Kaya ko ito ginagawa.

Broken Pieces (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon