Pov ni Kath
Umaga akong nagising at pumunta na ako sa school na may ngiti sa labi.
Naalala ko lang yung kagabi.
"Oh Miss Bernardo." Napalingon ako nakita kong may nakatayo na babae at ang isa pang babae. Na naka-uniform.
Sina Liza at Julia.
Classmates ko.
"Oh?" tanong ko na may ngiti sa labi. Hindi ko pa kasi siya nakausap noong dumating ako dito.
"You look happy." sabi ni Julia.
"Ah oo nga eh. Masaya ako." sabi ko naman sabay lagay ng kamay ko sa strap ng bag ko.
"Seryoso? Masaya ka?" tanong naman ni Liza.
Ngumiti lang ako.
"Si Jolibee pala ang nagpasaya sayo? Bida ang saya eh." biro ni Julia kaya inirapan siya ni Liza.
"So, anyway, sama ka. May show daw sa auditorium." sabi naman ni Liza at bigla akong hinila.
"Pero may klase pa tayo." sabi ko pero hinihila niya lang ako at pumasok kami sa auditorium.
"Hoy Liza! Sa backstage! Maraming tao dito!" rinig ko na sigaw ng isang lalaki.
Ang dami nga.
Ano bang show ito?
Bigla na lang niya ako hilnila paunta sa stage.
Bakit naman?
Ako ba yung show?
"Liza, bakit?" Nagtatakang tanong ko.
Ngumisi lang siya.
"Enjoy the show." sabi niya kaya napakunot yung noo ko.
Ano?
Pov ni Quen
Narinig ko na may nangyayare raw sa auditorium.
Dahil chismoso ako, pumunta naman ako sa auditorium.
Kasama ko kanina si Daniel pero may hinanda pa yung baliw para kay Kath.
Anong tawag dun?
Ligaw for the second time?
Anyway, pagkapasok ko sa auditorium,
"Talo na kayo sa pusta, so, where's may brand new car?" tanong ni Daniel sa mga barkada namin noon.
"Pare, chill. Bukas." Napatingin ako sa paligid, maraming tao ang nakakita.
"Huh? Ngayon na. Naging kami for four months and I broke up with her kanina. I mean, she broke up with me pero the deal diba, on our Fourth Monthsary." Mayabang talaga yung lalaking iyon.
Saan siya?
Hindi niya ba alam na ipinakita yung video ni Liza. Kaya ayaw ko kay Liza, alam kong masama siya. May plano eh.
Napahawak ako sa bibig ko dahil nakita ko si Kathryn.
Nasa ibabaw siya ng stage.
Agad akong tumakbo doon at nakikita ko si Yves na tumatakbo rin.
"Umiiyak siya pare. Saan si Daniel?" tanong niya habang umaakyat kami sa stage.
"Ewan ko." sabi ko.
"Kath!" tawag sa kanya ni Yves.
Patuloy pa rin si Kathryn sa panonood na umiiyak.
Nilapitan ko na siya at hinila.
