Epilogue

376 10 5
                                    

Pov ni Kath

Nagluluto ako nang sinigang para sa handaan mamaya dahil kakagraduate lang namin sa college kahapon.

Gusto ko lang tumulong.

"Babe!" Napalingon naman ako nang tinawag ako ni Khalil.

"Oh babe, bakit?" tanong ko habang may ngiti sa labi. Inakbayan naman niya ako.

"Ang bango ah!" sabi niya kaya napatawa ako.

"Ang niluto ko ba, hindi mabango?" tanong ni Miles na nagluluto rin.

"Hindi. Mas mabango ang niluto ni babe." Nag-apir naman kami ni Khalil kaya tinaasan lang kami ng kilay ni Miles.

"Tumawag pala Quen, pupunta siya." sabi ni Yves na nakakapasok lang ng kitchen.

"Mabuti naman." sabi naman ni Khalil.

Nasa Pilipinas kami ngayon hindi na sa Paris.

Pero doon namin tinapos yung sekondarya ni BBB kasama si Miles at Yves.

Bongga diba?

Samantalang si Quen, dito lang.

"Oh, masunog yung luto mo Kath." Napatawa naman kami sa sinabi ni Miles.

Nasusunog ba ang sinigang?

Haha.

---

"Ayos na ba ang lahat?" tanong ko sa mga maids.

"Opo ma'am." sagot naman nila.

"Good." sabi ko.

Kahapon kasi yung handaan kasama ang pamilya at ngayon, ang barkada.

Dumating na ang dati naming mga kaklase sa kolehiyo, yung mga close lang.

Si Julia Montes kasama ang iba.

"Oh Kath. Nandito na ba si Quen?" tanong ni Julia.

"Ayiee. Hinahanap ang boyfie." panunukso ko.

"Baliw! Hindi ko pa iyon sinasagot!" sabi niya na tumatawa pa.

Nasa swimming pool na side pala kami ng bahay ko.

Dito kasi yung party.

"Pero sasagutin mo naman diba?" tanong ko.

"Oo naman." sagot niya naman.

Ngumiti lang ako nang may biglang umakbay kay Julia.

"Narinig ko ang pinag-usapan niyo. Kailan mo ako sasagutin?" tanong ni Quen habang tinataas baba pa ang kilay kaya namula si Julia.

Ang sweet.

"Alis na ako. OP ako dito eh." Lumakad naman ako at iniwan yung mga sweet.

Nakakainggit.

Pumunta ako sa garden.

Fressh air eh.

Ang sarap.

May biglang yumakap sa akin sa likod at inilagay niya yung ulo niya sa balikat ko.

"Sorry. Late ako."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Okay lang. At least nandito ka." sabi ko at hinarap yung sarili ko sa kanya.

"Namiss kita Kath ko." Niyakap niya ako ulit. Napatawa ako sa sinabi niya.

"Excuse me mister, kakagraduate lang natin kahapon at nakasama pa kita sa family dinner." sabi ko.

"Namiss pa rin kita Mrs. Padilla." Namula naman ako sa sinabi niya.

Mrs. Padilla?

Ang sarap pakinggan.

"Oo na. Mauna ka na doon sa loob." sabi ko.

Hinalikan niya naman ako sa noo at pumunta na sa loob.

Ang swerte ko.

Ang swerte ko kay Daniel Padilla.

Akala niyo hindi ka magkakabalikan noh?

Inaamin ko, grabe yung galit ko sa kanya pero dahil sa 'arrange marriage', natuto akong patawarin siya for the second time.

Mahal ko eh.

Isang taon ko siyang hindi kinakausap.

Isang taon ako galit kina mama at papa dahil sa plano nila pero wala, mahina pa rin ako pagdating kay Padilla.

Hindi ko akalain na mapatawad ko siya.

Na siya rin pala ang mag-gagamot ng mga sakit sa puso ko.

Ang lahat ng sakit na ginawa niya sa akin ay siya rin pala ang makagamot nito.

*turo sa puso*

He fixed the broken pieces of my heart.

Daniel Padilla did.

THE END

------

Done.

Broken Pieces (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon