Prologue

236 6 3
                                    

Sa buhay, maraming bagay na hindi mo inaasahang darating sayo. May mga bagay na hindi mo maipaliwanag kung bakit nangyayari. Wala kang kaide-ideya kung paano ito nagsimula at kung paano rin ito nagtapos.

May mga taong hindi mo rin inaasahang darating. Parang biglaang pag-ulan, unexpected. Madalas nagugulat ka nalang nandyan na pala. Yung iba naman, parang kabute. Bigla bigla nalang susulpot. Pero marami sa kanila ay parang bula, bigla nalang mawawala.

Pero paano kung isang araw nagising ka nalang na hindi ka na mahal ng taong mahal mo? Paano mo tatanggapin na hindi na ikaw ang kailangan nya? na hindi na ikaw ang nagpapasaya sa kanya? hindi na ikaw ang tinitibok ng puso nya?

Kaya mo bang salubungin ng masaya ang pagsikat ng araw at tanawin ang paglubog nito ng hindi na nasasaktan? Makakaya mo kayang palipasin ang bente kwatro oras na hindi sya ang tumatakbo sa iyong isipan? Matatanggap ba ng puso mong hindi na sya makita at makasama habangbuhay? Makakaya mo kayang makita syang masaya sa piling ng iba?

Pero ang pinakamahirap at pinakamasakit, ay kung paano mo palalayain ang taong nagturo sayo kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.

A story about Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon