"It hurts to let go but sometimes it hurts more to hold on."
Intro palang ng kantang forevermore ng Side A, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Bumalik lahat sa isip ko yung mga masasayang alaala naming dalawa. Hanggang ngayon, pinaglalamayan ko pa rin yung puso ko. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit. Parang paulit ulit na kinukutkot yung sugat. Hanggang kailan ako magiging ganito?
Two years ago.. Nakilala ko si Poy!
*flashback*
Pauwi na sana ako galing skul ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Tumakbo ako ng mabilis para makapaghanap ng masisilungan. Nakita ko yung maliit na kubo at dun na muna ako tumambay. Nilapag ko muna yung bag ko at chineck yung cellphone ko para maitext si papa.
"Syet! Emptybatt na ko. Paano ko makocontact si papa. Patay! Baka nag-aalala na sila sa akin! Ano ba naman langit? Kasalanan mo ito e, Kung kailan may dala akong payong, hindi ka bumubuhos. Kung kailan naman naiwan ko yung payong ko, dun ka naman darating! Gulo mo rin eh! Mas magulo ka pa sa buhay ko. Psh!" inis kong sabi sa sarili ko.
"Oh, Miss! Relax! Baka mamaya nyan magalit sayo lalo ang langit, hindi na tumigil ang ulan! Hindi na tayo makauwi. Hahaha!"
"Ay! Kalabaw!" halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko sa sobrang gulat. nakakainis!
"Ang pogi ko namang kalabaw! Hahaha!" pang-aasar ng kalabaw este ng lalaking to.
"Hindi ka nakakatawa. ginulat mo ko." asar kong sagot sa kanya!
"Nagulat ba kita? Sorry ah." aba! marunong rin pala magsorry ang mga kalabaw.
"Pinaglihi ka ba sa kabute? Bigla bigla ka nalang sumusulpot e" pang-iinis ko sa kanya.
"E, ikaw? Pinaglihi ka ba sa sama ng loob? Ang sungit mo e." pang-iinis nya din sa akin.
"Tseh! Eh, Bakit ba kasi nandito ka?" tanong ko.
"Eh, bakit nga ba nandito ako?" langya! binalik rin sa akin.
"Kasi nandito ako? Hahaha!" ganti gantihan lang.
"Oo. Kasi nandito ka! Hahahaha! Im poy and you are?" sabi nya na nakapuppy eyes pa. mukhang magkakasundo kami ng kalabaw na to ah.
"Pam!" sabi ko na nakangiti. biglang nawala yung inis ko sa kanya. ang galing parang magic.
"Nice to meet you Pam! Friends?" o baka naman ginayuma ako ng ngiti ng kalabaw na to.
"Friends!" hindi ko na napigilang tumanggi.
At dito nagsimula ang lahat.