** A/N: Hi @Sharming :) I dedicate this chapter to you. Gusto kong kiligin ka ng sobra! :) **
Pinakilala ako ni Poy sa family nya. Ang babait nilang lahat at lahat sila botong boto sa akin. Oh diba? Ganda ko. Haha! Doon na kami nagdinner sa secret garden, naghanda pala talaga ang family nya para sa aming dalawa. After kumain, umuwi na rin kami. Hinatid na rin ako ni Poy sa amin.
"Sana, nag-enjoy ka ngayong araw Pam." sabi nya habang inaayos ang seatbelt ko.
"Sobra! Ang saya saya ko nga eh. Salamat Poy." binigyan ko sya ng isang napakalaki at nakakaakit na ngiti.
"You're most welcome!" sagot nyang nakangiti. grabe! para akong matutunaw sa ngiti ng isang 'to.
"T-T-G-W-O-M-H" ewan ko ba, pero sa tuwing sinasabi nya sa akin yan halos tumalon ang puso ko sa sobrang kilig.
"Hmmm?" sabi ko, aba syempre! hindi nya dapat mahalata na kinikilig ako.
"Sayo na to." inabot nya sa akin yung susi.
"Susi yan ng secret garden. Just incase gusto mong pumunta dito, makakapasok ka na." iaabot ko sana uli yung susi kaso..
"Tanggapin mo na please. Para sayo talaga yan." hindi ko na nga nagwang ibalik yung susi. sino ba namang makakatanggi sa poging lalaking to?
"Thank you Poy."
"Oops. meron pa." Meron pa? Baka mapatay na ko ng lalaking to sa sobrang kilig. Mamaya, mabalitaan nalang sa Tv. Isang babae namatay dahil sa sobrang kilig. Nooooo! Ano ba Poy Poy Poy. murahin mo nalang ako, wag mo na ako mahalin. Please.
Inabot nya sa akin yung isang maliit na regalo.
"Buksan mo." Sabi nya.
Agad ko namang binuksan. Dug. Dug. Dug. Tadaaaa!
Isa itong silver necklace. May pendant na 8 na nakahiga. (Infinity necklace) Sa pendant may nakasulat na 'PamPoy'
"Para hindi mo ako makalimutan. Lagi mong tatandaan na si Pam ay para lang kay Poy at si Poy ay para lang kay Pam." Sinuot nya sa akin yung necklace.
Dati, isa lang akong simpleng babaeng nangangarap na mahalin at pahalagahan ng isang lalaki ng sobra sobra. Pero simula dumating si Poy sa buhay ko, hindi nalang ito isang pangarap kundi isang pangarap na natupad na.
Sobra sobra na ang effort ng lalaking 'to sa akin. Baka panahon na para ako naman ang makabawi sa lahat ng ginawa nya. Siguro nga ito na ang tamang panahon para sa amin.
"Thank you Poy."
"Ikaw pa. Mahal kita eh."
Habang nagbabiyahe, puro tawanan at biruan lang kami ni Poy. Sana ganito din ang biyahe ng buhay namin, Masaya.
Wala pa sina mama at papa pagdating ko sa bahay. Malamang nagdate din ang mga yun, dumiretso na ako sa kwarto. Napahiga ako sa kama at napabuntong hininga. Napakahaba ng araw na to, nakakapagod pero napakasaya. Kinapa ko yung kwintas ko na binigay ni Poy. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina.
- - -
"Bye Poy! Thank you sa araw na to." Naglakad na ako papasok sa bahay.
"Pam" Lumingon ako sa kanya. Sakto paglingon ko, sumigaw sya ng..
"MAHAL NA MAHAL KITA PAM. I LOVE YOU SOBRA! SOBRA! SOBRA!"
- - -
I love you too Poy.
Napapikit ako at tuluyan ng nakatulog.
Nakatulog ako ng mahimbing. Pati sa panaginip ko si Poy yung nakikita ko.
Pagmulat ko ng mata, sina mama at papa ang nakita ko.
"Happy birthday anak." sabay nilang bati sa akin. Saka ako hinalikan sa noo.
Nasurprise ako. Dala na dala nila yung cake. Oo nga pala. Birthday ko nga pala ngayon. Hindi ko na naalala. Paano ba naman kasi yung utak ko occupied na ng memories namin ni Poy. Haaaay!
"Thank you Ma, Thank you Pa." inihipan ko na yung kandila at nagwish. pagkatapos nun, niyakap ko sila ng mahigpit.
"Maghilamos ka na anak at pagkatapos mo, bumaba ka na. Handa na ang almusal." sabi ni mama.
"Opo ma. Susunod po ako." Naisipan ko ng maligo na agad para swertehin naman ako ngayon. Pagkatapos ko maligo, Lumabas na ako ng kwarto.
At pagbukas ko ng pinto, Laking gulat ko nong makita ko si Poy. Tingnan ko lahat ng sulok ng bahay, wala sina mama at papa. Nasaan sila? Bakit nandito si Poy?
"..Looking in your eyes I see the paradise, this world that i found is so good to be true. Standing here beside you, want so much to give you, This love in my heart that im feeling for you..".
Lumabas sina mama at papa. Nakangiti sila sa akin. Yung mga ngiti nilang yun, ngayon ko lang nakita.
"..Let them say we're crazy, dont care about that, put your hand in my hand baby, dont ever look back. Let the world around us, just fall apart, baby we can make it if we're heart to heart.."
Sinundan naman ng mga pinsan ko, mga pamangkin, mga tita at tito. Sina Lolo at Lola. Hindi ko na napigilang umiyak.
"..And we can build this dream together standing strong forever, nothing's gonna stop us now, and if this world runs out of lovers we'll still have each other, nothings gonna stop us now.."
This time, yung mga malalapit kong mga kaibigan naman. Lahat sila nandito. Lahat sila kumakaway sa akin. Lahat sila nakangiti. Mas lalo akong naiyak.
"..Im so glad I found you, im not gonna lose you whatever it takes, I will stay here with you. Take it to the good times, see it through the bad times, whatever it takes is what im gonna do."
Sabay sabay nilang inilabas yung mga lobo sa likod nila. Kulay pula ang mga balloons at heart shape. Ang saya ko. Lalo na't lahat ng mga taong mahahalaga sa buhay ko ay nandito ngayon.
"..Let them say we're crazy, dont care about that, put your hand in my hand baby, dont ever look back. Let the world around us, just fall apart, baby we can make it if we're heart to heart.."
Lahat sila nakisabay kay Poy sa pagkanta.
"..And we can build this dream together standing strong forever, nothing's gonna stop us now, and if this world runs out of lovers we'll still have each other, nothings gonna stop us now.."
Tinitingnan ko sila lahat, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin. Lalong lalo na ni Poy. Halos matunaw ang puso ko.
Huminto sila sa pagkanta. Ngayon yung boses nalang ni Poy yung naririnig ko.
"Oh, all that I need is you.. All that I ever need, and all that i want to do, is hold you forever, forever and ever.."
Si Poy, si Poy ang may gawa ng lahat na 'to. Habang lumilipas ang panahon, Habang tumatagal, mas lalo akong nahuhulog sa kanya, mas lalo akong napapamahal sa kanya. Oo, Mahal ko na rin sya.
Inalalayan ako ni Poy pababa ng hagdan. Sabay sabay ulit sila kumanta.
"..And we can build this dream together standing strong forever, nothing's gonna stop us now, and if this world runs out of lovers we'll still have each other, nothings gonna stop us now.."
Pagkatapos ng kanta, Lahat sila pumila. Simula sa mga kaibigan ko hanggang kina mama at papa. Hawak nila sa kanan ang cupcake na may kandila sa gitna at sa kaliwa ang lobong hugis puso. Bawat isa sa kanila ay nagbigay ng message para sa akin kasabay ng pagbigay ng cupcake at lobo. Ang saya saya ko. Ito ang pinakamasayang birthday ko. Salamat Poy! Sana isang araw, makabawi ako sayo.