Four

123 3 1
                                    

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na mahal na ako ni Poy hindi lang bilang isang kaibigan kundi higit pa. 5 months na syang nanliligaw sa akin.

*flashback*

Hindi ako nakapagsalita. Totoo ba tong nangyayari? o nananaginip lang ako? Parang huminto yung pag-ikot ng mundo ko. Halos wala akong marinig kundi ang tibok ng puso ko lang. Kinurot kurot ko yung pisngi ko, sinampal sampal ko yung mukha ko. gusto ko lang malaman na hindi nga ito panaginip. Nagulat nalang ako sa malakas na tawa nya na parang mangkukulam.

"Hahahahahahaha! Pam, totoo ito. Hindi ka nananaginip." Nilagay nya yung kamay ko sa mukha nya.

"Ayan oh, kurutin mo na rin pati ang pisngi ko at sampalin mo na rin ang mukha ko para talagang maniwala ka na. Hahaha!"

Kinurot kurot ko yung pisngi nya at sinampal sampal yung mukha nya, mas masakit sa pagkurot at pagsampal ko sa sarili ko. Akala nya ha!

"Ouch! Araaaay.. Araaaay. Tama na Pam. Ang sadista mo naman."

Nagtawanan lang kaming dalawa. Para kasi syang kamatis sa sobrang pula ng mukha nya.

"Pamella Nicollete Garcia, Can i court you?"

"Paano kung hindi?"

"Sa ayaw at gusto mo, liligawan pa rin kita! Kaya wala kang choice."

"E, wala naman pala akong choice e. Bakit nagpapaalam ka pa?"

"Kasi i respect you. I need your confirmation. Ayoko naman basta basta nalang akong manliligaw ng walang pahintulot sayo."

Napaisip ako bigla.. Ting! Bright idea!

"Poy, ang english ba ng saging banana?"

"Yes! Bakit Pam?"

"Edi yes!"

"Anong yes?"

"Yes ang sagot ko sa tanong mo."

"Yes! Yes! Yes! Thank you Pam. I love you!"

Niyakap nya ako ng sobrang higpit.

"Wagas makapagyes! Hindi pa kita sinagot noh"

Nagtawanan kami.

*end of flashback*

Ang swerte ko, mahal ako ng taong 'to! Mabait si Poy. Matalino. Gentleman. Malaki ang respeto sa babae. Bonus nalang nga ang kapogian nya. Kahit sino sigurong babaeng liligawan nya, sasagutin sya. Pero hindi ko pa sya sinasagot. Gusto ko muna i-enjoy ang pagkakaibigan namin. Gusto ko munang makilala pa ng husto ang isat isa.

Noong isang araw nga biniro ko sya.

*flashback*

"Poy, tigilan mo na panliligaw sa akin. Hindi naman kita sasagutin." Pabiro kong sabi sa kanya.

"Hindi ako titigil. Balang araw, mamahalin mo rin ako. At kapag nangyari yun ako ang magiging pinakamasaya at pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo."

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Lumapit sya akin at hinawakan ang kamay ko.

"Pam, hayaan mo lang ako na mahalin ka. Handa naman akong maghintay sayo. Kahit gaano pa katagal."

"Talaga?"

"Talaga!"

"Talagang talaga?"

"Talagang talaga!"

"Talagang talagang talaga?"

"Talagang talagang talaga!"

Inaamin ko, Masaya ako kapag kasama ko ang lalaking 'to. Nagagawa ko yung mga bagay na gusto ko, kaya kong maging ako kapag sya ang kasama ko. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa tuwing nakikita ko sya, bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang kakaiba. Di kaya...

Mahal ko na rin si Poy?

** A/N: Bitin ulit. Hahaha! Sorry na! :) Anyway, asahan nyo po na puro flashback ang nangyayari. Alam nyo naman po siguro na ang bida ay nasa damuhan pa rin hanggang ngayon. Haha! Nagmumuni muni at binabalik-balikan ang mga pangyayari! Yun lang. comment naman po kayo.. Salamat. :)**

A story about Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon