Doon ako nagsimulang mag-ilusyon na totoo ngang may "FOREVER". Doon ako nagsimulang umasa na sana kami na habang buhay. Doon ko sinimulang ibigay ang lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Pero hindi ko inaasahan na yun din pala ang naging puno't dulo kung bakit ako nasasaktan ngayon.
Exactly one year ago.. Anniversary namin nun. Magkikita kami sa Secret Garden. Doon kasi namin naisipang mag-celebrate. Mas maaga ako pumunta sa meeting place namin kasi may inihanda akong surpresa para kay Poy. Gusto ko naman sanang kahit sa anniversary man lang namin, siya naman ang maisurprise ko. Sobrang saya ko nong araw na yun. Sabi nga nila sa panahong ito, Kapag tumagal kayo ng one year, ibig sabihin lang nun seryoso siya sa iyo. Yes namaaaan! :)
Nakarating na ako sa Secret Garden. Mukhang wala pa rin si Poy. Sakto. Kinuha ko yung key sa bag, Bubuksan ko na sana kaso... Unlock na yung kandado? So may tao na sa loob? Nandito na si Poy? Hindi ko alam kung bakit bumilis yung tibok ng puso ko. Parang may hindi magandang mangyayari. Huminga ako ng malalim. Ano ba yan Heart. Wag kang ganyan. Kalma! With a heavy heart, lakas loob pa rin akong pumasok sa Garden. Nakayuko lang ako habang naglalakad at habang papalapit, lalong bumibilis yung tibok ng puso ko. Dahan dahan kong itinaas ang ulo ko, at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. si Poy at.. at.. at.. wait! Si Poy ba talaga to? No! Hindi. Hindi ito si Poy. Hindi ito totoo. Ayaw paniwalaan ng mga mata ko yung nangyari. Napahagulgol ako sa iyak. Nabitawan ko yung cake na dala dala ko na ako pa mismo nagbake. Biglang humarap sa akin si Poy. "Pam?" laking gulat niya nong makita niya ako. At dahil may sariling utak ang mga paa ko, tumakbo ako palayo sa kanila. Mabilis na mabilis na mabilis. "Pam! Wait! Magpapaliwanag ako." yun ang huling narinig kong sinabi niya.
Takbo lang ako ng takbo nun. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at wala akong paki kung saan pa ako makarating. Basta takbo lang ako ng takbo. Ang sakit sakit! Bakit Poy? Bakit? Bakit nagawa mo sa akin 'to?
