Nine

60 1 1
                                    

Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Poy sa buhay ko. Hindi ko rin ito hiniling. Kusa nalang siyang dumating. Para lang siyang isang imahinasyon na nabuo lang sa utak ko na nagkatotoo. At kung isang panaginip man 'to, ayoko ng magising.

Hindi ko namalayan ang paglipas ng panahon. Ang alam ko lang masaya kami ni Poy. Sinasalubong namin ang bawat araw na masaya. Lagi kaming magkatext at magkausap sa phone. Lagi rin kaming magkasama. Sana nga forever na ito.

12:00am

I received a call.

Binuksan ko ang ilaw saka kinapa ang phone ko na kanina pang ring ng ring. Pagtingin ko sa alarm clock ko, 12:00am palang. Sino ba tong istorbo sa pagtulog ko? Aish!

MOO calling...

Si Poy? Napabangon ako bigla at tila nawala yung antok ko sa katawan. Kinabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano kayang nangyari? Bakit napatawag sya ng disoras ng gabi?

"Hello!"

"Hey Moo. Sorry kung nagising kita. Silip ka sa bintana mo."

"Ha? Bakit? Ok, sige. Wait"

Pagbukas ko ng bintana halos lumabas yung mga mata ko sa nakita ko.

Sa kalsada nakadikit ang katagang

HAPPY MONTHSARY MOO. I LOVE YOU SO MUCH.

Parang tumigil ang ikot ng mundo ko. Naramdaman ko na ring tumulo ang mga luha ko sa pisnge ko. Thank you God. Ang lakas ko talaga sayo. Ako na ata ang pinakamaswerteng babae sa mundo.

Tinitigan ko lang yung nakasulat sa kalsada. OO nga pala, monthsary namin ngayon. Bakit ba nakalimutan ko? Napakaengot ko talaga. Napailing nalang ako. Sabay buntong hininga.

"Ayy, Kabayo!" Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko ng bigla syang lumabas sa likod ng isang puno. Nak ng! Bakit ba ang hilig sumulpot ng lalaking 'to?

Kumaway kaway sya. Ngumiti ng pagkalaki laki, Sabay sigaw, I LOVE YOU SO MUCH PAMELA NICOLLETE GARCIA. I LOVE YOU! I LOVE YOU! I LOVE YOU!

Ganito pala kasarap magmahal at mahalin. Para kang nasa cloud nine. Nakakalimutan mo ang lahat ng problema at hindi ka nauubusan ng dahilan para ngumiti. Ganun pala sa pag-ibig, kung 100 percent ang binigay mo, 100 percent rin ang babalik sayo.

Sumigaw din ako. "I LOVE YOU TOO PETER PAUL MENDOZA. I LOVE YOU! I LOVE YOU! I LOVE YOU!" Wala na akong paki kung may makarinig man. Basta ang alam ko, mahal na mahal ko ang lalaking 'to. Higit pa sa buhay ko.

"MAHAL KITA PAM. SOBRA. SOBRA. SOBRA."

"MAHAL DIN KITA POY. SOBRA. SOBRA. SOBRA."

Nilagay nya ulit sa tenga nya yung phone at sinabing..

"Moo, Listen.. This is for you"

"..I'll be your dream, I'll be your wish, I'll be your fantasy. I'll be your hope, I'll be your love. be everything that you need.. I'll love you more with every breath. Truly Madly Deeply do.. I will be strong, I will be faithful cause im counting on.. A new beginning, A reason for living, A deeper meaning, yeah.."

Grabe. Ibang klase magmahal ang taong 'to! Lulunurin ka sa pagmamahal. At hinding hindi mo na gugustuhin pang mawala sya sa buhay mo.

"..I want to stand with you on a mountain. I want to bathe with you in the sea. I want to lay like this forever. Until the sky falls down on me.."

"Pam, today I promise na hinding hindi kita iiwan. Mamahalin kita ng sobra sobra sobra. Araw araw, oras oras, minuminuto kong ipararamdam sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. Lagi mong tatandaan na ikaw lang ang una at huling babaeng nasa isip ko. Ikaw lang ang laman ng puso ko. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay. Hinding hinding hindi magbabago ang pagtingin ko sayo. I love you so much!"

A story about Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon