Eight

63 2 1
                                    

** A/N: @PaoMcFriend para sayo tong chapter na 'to. Maraming salamat sa iyong suporta. Labyu! :) **

Tatlong linggo na ang nakalilipas simula nong birthday ko. Ito na ang tamang pagkakataon para makabawi naman ako kay Poy. Three weeks ko rin itong pinag-isipan. Three weeks ko rin itong pinaghandaan.

(Conversation with Poy.)

Hi Poy! May gagawin ka ba ngayong araw?

*send to Poy*

Wala naman po. Bakit po sana? :)

- Poy

Gusto ko sanang pumunta sa secret garden ngayon kasama ka. Ok lang ba sayo?

*send to Poy*

Oo naman. Basta ikaw. Susunduin na ba kita? ;)

Poy, pwede bang mauna ka na? Susunod ako, Promise!

*send to Poy*

Ok. Papunta na po ako ngayon. Ingat ka ha :)

Salamat Poy. Ikaw rin, ingat ka. :) Text mo ko kapag malapit ka na ha.

*send to Poy*

Noted. I love you! :)

- End of conversation.

Kanina pa ako nandito sa Secret Garden. Sinigurado ko na munang ok na ang lahat bago ko sya tinext. Nagpatulong ako sa tatlo kong kaibigan. Sina Rain, Sandy, at Windy. Mabuti nalang nga, pumayag sila kahit medyo busy ang mga yun. Sa totoo lang, kinakabahan ako ngayon. Sana, magustuhan nya ang surpresa ko sa kanya. Isang oras pa ang biyahe papunta dito kaya may panahon pa ako para makapagretouch. Syempre naman, kailangan maganda ako ngayon.

Tiningnan ko yung relo ko, Ohmygulay!! 30 minutes nalang. Mas lalo pa akong kinabahan nong nagtext na sya.

Mahal kong prinsesa, malapit na po ang iyong prinsipe. :)

- Poy

I replied: Ok. Take care! ;)

Pinakalma ko na ang sarili ko. Gusto ko maging perfect ang araw na to para kay Poy at para sa amin.

Beep Beep.

Nandyan na sya.

"This is it pancit! Go Pam. Kaya mo yan. Ikaw pa!" Pagchicheer ko sa sarili.

Hindi alam ni Poy na nandito na ako sa loob. Oo nga pala, sarado ang gate ng secret garden. Pinasara ko sa mga kaibigan ko bago sila umalis. Gusto ko kasing isipin nya na wala pa ako dito para siguradong masusurprise sya.

Pagbukas na pagbukas ni Poy ng gate, dadaan sya sa red carpet. Sosyal ang secret garden, nakared carpet. Haha!

Habang naglalakad si Poy, mayroong nakadikit sa red carpet na note.

EIGHT THINGS I ADMIRE ABOUT YOU. ito ang unang nabasa ni Poy. Tuloy tuloy lang sya sa paglakad. Bawat sampung hakbang ay may bago syang mababasa.

1. YOU ARE THOUGHTFUL

(Lagi mo akong naalala. Hindi mo ako nakakalimutan. Lagi mong pinaparamdam sa akin kung gaano mo ko kamahal.)

2. YOU ARE GENTLEMAN

(Hindi lang sa akin, kundi sa lahat)

3. YOU ARE SWEET AND CARING

(Parati mong pinaparamdam sa akin kung gaano mo ko kamahal.)

4. YOU ARE OPENMINDED

(Handa kang makinig sa mga opinyon ng iba at nirerespeto mo kung ano ang desisyon nila.)

5. YOU ARE MODEST

(napakahumble. Walang kayabangan sa katawan.)

6. YOU ARE HONEST

(Sinasabi mo talaga kung ano yung totoo.)

7. YOU ARE VERY SUPPORTIVE

(Sinusuportahan mo ko sa lahat ng bagay ng gusto ko.)

Lumingon lingon sya. hinahanap nya yung isa pang natitira. Napakamot sya sa ulo dahil hindi nya ito makita. Naisipan nyang buksan ang ilaw. Nandito na ako ngayon sa stage. Pagbukas na pagbukas nya ng ilaw, inumpisahan ko ng i-strums ang aking gitara. Makikita mo sa expression ng mukha ni Poy na gulat na gulat sya kaya nagsimula na akong kumanta.

"..Are those your eyes, is that your smile, Ive been looking at you forever but I never saw you before.."

Tinitigan ko si Poy. Nakakatawang isipin na nong una ko syang nakita ay inis na inis ako sa kanya. Samantalang ngayon, tuwing tinititigan ko sya mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Hindi ko ineexpect na darating kami sa puntong ito. Na mamahalin namin ang isa't isa pero ngayon, sigurado na ako sa nararamdaman ko. Sigurado akong mahal ko na rin sya.

"..Are these your hands holding mine, now I understand how I could've been so blind.."

Para siyang ulan, hindi ko inaasahan ang pagdating nya. Para siyang isang kabute na bigla nalang sumulpot sa buhay ko. Pero hindi ko inakala na ang kabuteng palang ito ang magpapabago at magbibigay kulay sa buhay ko.

"..For the first time, I am looking in your eyes, For the first time Im seeing who you are, I cant believe how much I see, when youre looking back at me, Now I understand what love is, for the first time.."

Oo. Si Poy ang first love ko. Siya ang nagturo sa akin kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Lagi kong pinagpapasalamat sa Diyos na binigay nya sa akin si Poy. Lagi kong ipinagdadasal na sana sya na talaga ang nakalaan sa akin, sana hindi na sya mawala. Sana, sya na talaga forever and forever and ever.

Lumapit ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin, habang pinagmamasdan ko ang mga mata nya, mas lalo kung napapatunayan na hindi pala talaga mahirap mahalin ang lalaking 'to.

"Pam, ano yung number 8? Nasaan nakalagay yun? Kanina pa ako hanap ng hanap. Hindi ko makita eh." Curious nyang tanong.

"Ito oh." Kinuha ko sa bag ko yung isang note.

8. YOU ARE TRUSTWORTHY

Nagka-eye to eye contact kami.

"At ngayong araw, handa ko ng ipagkatiwala ang puso ko sayo Poy." Sabi ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin Pam?" Tanong nya.

Pero imbes na sagutin ko ang tanong nya, tinanggal ko ang gitara ko sa pagkayakap. At itinuro ko sa kanya ang nakaprint sa T-shirt ko.

Peter Paul Mendoza

YES!!!

I want to be your girlfriend.

A story about Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon