Sana ang pag-ibig ay mayroon ring traffic lights. Para alam mo kung kailan ka aalis, kailan ka titigil, kailan ka maghihintay. Para hindi ka na umaasa, hindi ka na masasaktan ng sobra at hindi ka na magmumukhang tanga. Sana nga ganun nalang 'no? Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Sana, nabigyan ako ng senyales na dapat umalis na sa relasyon namin. Pero minsan, ang tanga rin ng puso. Kahit na sobra sobra sobra na syang nasaktan, sya pa rin yung tinitibok nito. Sya at sya pa rin. Kahit pa ang daming rason para hindi mo na sya mahalin.
Paano mo nga ba makakalimutan ang isang taong minsan ng naging mundo mo? Paano mo kakalimutan ang taong nagbigay kulay ng buhay mo? Mahirap! Parang pagda-diet, sinusubukan mong gawin pero hindi mo kaya. Sinubukan kong kalimutan si Poy pero sa tuwing gagawin ko yun, bumabalik lahat ng memories naming dalawa.
*flashback*
Sabado ngayon, gaya ng nakasanayan mamamasyal kami ni Poy. Sinundo nya ako sa bahay. Lumabas sya sa kotse nya at pinagbuksan ako ng pinto.
"San tayo?" tanong ko.
"Secret!" Psh! Secret secret pa.
Pinaandar nya na yung kotse. Pero bago kami umalis, binigyan nya muna ako ng three red roses.
"Pam, I love you." sabi nya saka pinatugtog yung playlist nya.
"..Beautiful girl, wherever you are..
I knew when I saw you, You had opened the door"
akala ko, sasabayan nya lang yung kanta pero instrumental lang pala yun. grabe! nakakainlove talaga ang boses ng lalaking 'to. Para ko lang pinapakinngan ang isang anghel na kumakanta.
"..I knew that I'd love again,
after a long long while, I'd love again.."
Ngumiti sya sa akin. Hindi lang pala boses ang nakakainlove sa lalaking 'to, pati yung ngiti nya, Pamatay!
"..You said hello, and i turned to go,
but something in your eyes, left my heart beating so.."
Tinititigan ko lang si Poy. Ang gwapo gwapo nya! Napakaswerte ko naman ako ang minahal ng taong 'to.
"..I just knew that I'd love again,
after a long, long while
I'd love again.."
Huminto si Poy sa pagkanta pero tuloy tuloy pa rin yung music.
Hanggang sa narinig ko yung boses nya pero recorded.
- Ako si Peter Paul Mendoza. Sobrang lungkot ng buhay ko noon. Naglalakad ako pauwi nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pati yung ulan, nakikisabay sa kalungkutan ko. Tumakbo ako nang mabilis para makapaghanap ng masisilungan. Habang palapit na ko sa kubong nakita ko, may isang babaeng papunta rin doon. Pero wala akong choice kundi tumuloy kasi basang basa na rin ako. Natatawa pa nga ako sa kanya kasi sinisisi nya yung langit dahil hindi nya dala ang payong nya. At ang mas nakakatawa e, yung nagulat sya kasi bigla akong sumagot. Sabi ko pa nga sa kanya nun, Relax lang sya. Baka mamaya, mas lalong magalit sa kanya yung langit at hindi kami lalo makauwi. Sa sobrang gulat nya, napasigaw sya ng "Ay, Kalabaw!" Sabi ko naman ang gwapo ko namang kalabaw. Inis na inis sya sa akin. Pero sa totoo lang, ang cute nyang mainis. Tinitigan ko sya. Ang ganda pala ng mata nya. Yung kilay nya, manipis lang. Yung labi nya, pulang pula. Ang pisngi nya, ang chubby chubby. Yung buhok nya, ang bango bango. Ang ganda ganda nya. Biglang tumibok yung puso ko ng sobrang bilis at nawala yung lungkot ko nong makausap ko sya. Bigla syang nagsalita at nagtanong. Sabi nya, pinaglihi raw ba ako sa kabute kasi bigla nalang raw ako sumusulpot. Ginantihan ko rin sya sabi ko sa kanya, Pinaglihi ka ba sa sama ng loob? ang sungit mo e. Tapos sabi nya sa akin, Tseh raw ako. Tinanong nya ako kung bakit daw ako nandun? Binalik ko sa kanya yung tanong, e bakit nga ba ako nandito? tapos sabi nya, kasi nandito ako? Tapos sabi ko, OO. kasi nandito ka. Nagtawanan kami. She has a nice smile. Yung tawa nya, nakakahawa. Hindi ko makalimutan ang araw na yun Pam. Yun ang araw na minahal kita. Simula nun, naging masaya na ulit ang buhay ko. Mahal na mahal kita Pamela Nicollete Garcia. Mamahalin kita habangbuhay. Ikaw lang at walang iba. -
Tumulo yung luha ko. Ang sarap mahalin ng taong 'to. Araw araw kong ipinagpapasalamat na nakilala ko sya.