Poy and I became friends. Simula nong araw na yun, lagi na kaming magkasama. Dahil iisa lang naman kami ng school na pinapasukan, sabay kaming pumapasok. Sinusundo nya ako sa bahay at hinahatid nya rin ako pauwi. Tuwing weekends, namamasyal kami. 6 months ganun ang set up namin. Hanggang sa..
*flashback*
Naglalakad ako pauwi ngayon. Hindi ko kasama si Poy kasi may importante raw syang gagawin. Saan kaya pupunta yun? Napakamot nalang ako sa ulo. Namiss ko na agad ang mokong na yun. Kapag kasama ko sya, pakiramdam ko walang masamang mangyayari sa akin. Kapag kasama ko sya, lagi akong tumatawa, lagi akong masaya. Napahinto ako nang biglang may narinig akong pamilyar na boses. Napakalamig ng boses nya. Parang isang anghel. Anghel na naligaw sa lupa.
"..No one ever saw me like you do. All the things that I could add up too.."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.
Nakita ko si Poy. Yakap yakap nya ang kanyang gitara habang kumakanta. Nakaputing T-shirt sya. Sa harap nito, nakaprint ang mukha at pangalan ko. Anong meron? Hindi ko naman birthday ngayon ah.
"..I never knew just what a smile was worth.. But your eyes say everything.. Without a single word.."
Ngumiti sya akin. Ramdam ko ang saya sa mukha nya. Yung mga mata nya, punong puno ng emosyon.
"..'Cause there's somethin' in the way you look at me, It's as if my heart knows.. You're the missing piece.."
This time, lumapit sya akin. Halos magkadikit na yung mga mukha namin. Nanginginig yung mga tuhod ko. Bakit ganito? Ang lakas tibok ng puso ko. Para akong tumakbo ng 4m sa sobrang bilis. Yung mga kamay ko, nanlalamig. Parang nastroke yung buo kong katawan. Lahat hindi ko maigalaw.
"..You make me believe that there's nothing in this world I can't be, I never know what you see But there's somethin' in the way you look at me.."
Tinanggal nya sa pagkayakap ang kanyang gitara. Binigay nya sa akin yung bouquet ng flowers na galing sa likod nya. Hinawakan nya yung kamay ko.
"T-T-G-W-O-M-H" sabi nya ng nakangiti sa akin.
"Anong TTGWOMH?" Kunot noo kong tanong.
Imbes na sagutin nya ako, kinuha nya yung mga kamay ko at inilagay sa dibdib nya.
"To the girl who owns my heart"
Hindi na ako nakapagsalita. Parang nabingi ako sa sinabi nya. Ngumiti sya akin saka lumuhod.
"To the girl who owns my heart, Pamela Nicollete Garcia. I love you so much! Noong unang araw palang kitang nakita, sinabi ko na sa sarili ko na ikaw yung taong mamahalin ko. Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo yung nararamdaman ko. Tuwing susubukan ko kasi naduduwag ako. Pam, mahal na mahal kita. Hindi lang bilang kaibigan kundi higit pa."
Tumayo sya at tumalikod. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Sa likod ng damit ni Poy nakasulat, "Pamela Nicollete Garcia, Can I court you?"