One

154 5 1
                                    

"Pain is inevitable. Suffering is optional" -Unknown

Nakahiga ako ngayon sa isang malapad na damuhan kung saan natatanaw ko ang kagandahan ng kalangitan. Ang mga bituin na tilang nagpapaalala sa akin na ang lahat ng problema ay lilipas din, ngumiti ka lang. Ewan ko ba kung anong magic ang dala ng langit na sa tuwing pinagmamasdan ko ito, napapawi lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko, hindi ako nasaktan. Hindi ako naloko. 

Haaaaaaaaaaaaaay!

Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Sana ganito nalang palagi. Sana permanente na to. Para hindi ko na maramdaman yung sakit na dapat matagal nang nawala. It's been a year na rin pala since he broke my heart into pieces pero kahit ilang beses ko ng sinubukang buuin ay hindi ko pa rin nagawa.

Totoo palang unfair ang buhay. Kung sino pa yung pinagkakatiwalaan natin, sila pa yung manloloko sa atin at kung sino pa yung minamahal natin, sila pa yung nang-iiwan sa atin. 

Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin yung sakit. Para bang sariwa pa rin yung mga sugat sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ko ito magagamot at kung kailan hihilom ang sugat.

Kinuha ko yung headphone ko saka pinasak sa aking tenga. Napapikit ako. Kinapa ko ang aking puso at nakangiting sinabing...

Balang araw, magiging ok ka na rin ulit. :)

A story about Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon