Six

81 3 3
                                    

** A/N: Shoutout para kay @Calebchengjr SALAMAT SA SOLID NA SUPORTA! :p

at syempre kay @baekyoong na love na love ko. sya yung gumawa ng combi ng pangalan nina Pam at Poy. Hooray sa PAMPOY LOVETEAM! :)

Thank you rin sa mga nagcomment, @AldwinSequihod and @PrestineReev maraming salamat po. :)

at sayo na nagbabasa nito, enjoy reading! :) **

Sa isang garden ako dinala ni Poy. Sari saring mga bulaklak ang makikita mo, ibat-ibang kulay rin. may red, orange, yellow. Ang lalaki rin ng mga puno kaya hindi mainit dito. Tahimik ang lugar na 'to. Tanging mga huni lang ng mga ibon ang maririnig mo. Perfect to unwind.

"Ang ganda naman dito Poy."

"Nagustuhan mo Pam?"

"Oo. Napakaganda dito Poy. Pero teka, bakit walang ibang taong pumupunta dito?"

Ngumiti lang sa akin Poy.

"Ganito kasi yung kwento, noon mayroong isang lalaking namamahala ng garden na 'to. Sya lahat ang nagtanim ng mga bulaklak na nakikita mo. Inalagaan nya mabuti ang secret garden na 'to. Araw-araw nya itong binibista. Kasi gusto nya, kapag nakita nya na yung espesyal na babaeng mamahalin nya, dadalhin nya raw dito." Sasagot na sana ako kaso bigla sya ulit nagsalita.

"Mahabang panahon rin sya naghintay. Matagal tagal rin nyang hinintay yung babaeng mamahalin nya. Hanggang sa isang araw nagkasalubong ang landas nila."

"Ang swerte naman ng babae." Sabi kong nakangiti. "Oh, tapos? Ano na nangyari? Dinala nya na yung babae dito?" dugtong ko.

"Oo. Nakakausap ko nga ngayon eh." Nagulat ako sa sinabi ni Poy. So ibig sabihin sya yung may gawa ng garden na to? Ohmygulay! Hindi lang pala pagkanta ang talent ng lalaking 'to, kaya nya ring magpakilig ng babae.

"meaning.." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko.

"Oo Pam. Ako ang may-ari nito. At ikaw ang kauna-unahang babaeng dinala ko dito."

waaaaaaah! spell KILIG? P-A-M! kinikilig ako. super!

Nilibot namin ni Poy yung garden. Napakalawak pala nito at ang ganda talaga. Hindi mo aakalain na lalaki ang may gawa. May mga bench din dito, pwede kang maupo kapag napapagod ka na. At dahil medyo masakit na rin ang paa ko, naupo muna kami ni Poy saka nagkwentuhan. Naikwento nya sa akin na ipinamana raw ito sa kanya ng lolo nya. Yung lolo nya raw ang nakaimpluwensya sa kanyang mag-alaga ng mga bulaklak. Matagal tagal rin kaming nakapagkwentuhan. Niyaya ko ng umuwi si Poy kasi alas kwatro na at magbabiyahe pa kami.

"Pero Pam may isang lugar ka pang hindi nakikita dito sa secret garden."

"Meron pa?"

"Oo. Pikit ka." Pumikit ako. Ipiniring nya yung mga mata ko. At naglakad kami.

"50 STEPS lang 'yun Pam mula dito. Kapit ka lang ng mabuti ha?"

"Ok. Magbibilang ako." Sinimulan ko ng magbilang.

"1.. 2.. 3....... 10.. 15.. 20.... 49.. 50"

"Dito na tayo!" Sabi nya. Tinanggal nya na yung piring sa mga mata ko.

"Wag mo na munang imumulat ang mata mo hanggat hindi ko pa sinasabi ha?"

"Ok"

"Isa, dalawa, tatlo! Game!"

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Samu't Sari. Halo Halo. Nakakagulat. Nakakamangha. Hindi ko inakalang sa gitna ng secret garden na to ay may isang mini stage. Nakadikit doon ang isang tarpaulin na puro mukha ko ang nakaprint. Nakakatuwa at Nakakakilig.

"Ayan, nakita mo na yung babaeng nagmamay-ari ng puso ko." Nakangiti nyang sabi sa akin.

"Saglit lang ah." Pumunta sya sa stage at kinuha yung microphone. Nakaplay ang isang music na pamilyar na pamilyar sa akin. Isang kantang paboritong paborito ko.

"..You always ask me those words I say, and telling me what it means to me.. Every single day, You always act this way, for how many times I told you, I love you for this is all I know.."

Pumunta si Poy sa kinatatayuan ko. Sobrang speechless ako. Hindi ko namamalayan, pumapatak na pala ang mga luha ko.

"..Come to me and hold me, and you will see. The love I give for you still hold the key.. Every single day, You always act this way, for how many times I told you, I love you for this is all I know.."

"..I'll never go far away from you, Even the sky will tell you that I need you so, For this is all I know, I'll never go far away from you.."

Nakita ko ang buong pamilya ni Poy nandoon nakatayo sa harap namin. Lahat sila nakangiti sa amin. Makikita mo sa mga mata at mga ngiti nila ang saya. Halos hindi ako makahinga. Para lang itong isang panaginip. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko sya ng sobrang higpit. Hindi ko alam na kaya pa pala akong pasiyahin ng lalaking 'to.

A story about Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon