Chapter 4 - Unknown Number [3]
TAEYEON'S POV
Siya? As in siya?! Talaga?!
"TITO SOOMAN?!" sabay naming sabi ni Bianca. Napalingon kami sa isa't isa na may 'oh-talaga?' look.
"Hi Dad!" sabi ni Unnie Fia.
"Oh, anak? Buti naman nagaral ka na." natatawang sabi ni Tito Sooman.
"Papa naman. *pouts Tumigil lang ako last year kasi alam mo na. *wiggles eyebrows" malokong sabi ni Unnie Fia.
"Hay. Ewan ko sayong bata ka. Tara na sa opisina, Oh, Boys? Kanina pa ba kayo dito?" tanong ni Tito dun sa mga HILAW. Oo! HILAW talaga. Bwisit. =_=
"Hindi naman po." sabi nung isang kapre na malaki ang tenga. Buti pa siya, mabait. Di kagaya nung baklang mangaagaw ng gitara. Bwisit.
"Osige, maghintay na lang kayo dyan. Ano nga ba ipinunta niyo dito? Tara na girls." yaya ni Tito.
"Yung tungkol po sa--" hindi na natuloy nung kapre yung sasabihin niya ng sumingit si Tito.
"Ah! Naalala ko na. Sige sige. Mamaya na lang." papasok na sana sa office si Tito ng magtanong si Unnie.
"Papa sandali? Yang mga yan, kaclose mo?" tanong ni Unnie.
"Oo naman. May shares ang mga magulang nila dito eh tsaka kaibigan namin ang mga magulang nila. Bakit ba anak?" tanong ni Tito kay Unnie.
"Ba't ang gwapo nila?" takang tanong ni Unnie.
Oo nga, bakit nga ba gwapo sila. Sayang nga lang hilaw na gwap--Teka! Wala akong sinabi. Wala talaga.
"Di ko rin alam anak eh." nagkibit balikat na lang si Unnie.
"Let's go na po." magalang na sabi ni Bianca. Eew. Magalang? Pwe. -_-
[B/N: Bat ba ang sungit mo Ate?]
Hindi ko po alam.
[B/N: Bakit hindi mo alam?]
Hindi ko po alam.
[B/N: May sapak ka ba?!]
Hindi ko po alam.
[A/N: BOOMPANES! Na-NAPOLESZONED ka Bianca!]
[B/N: Ewan ko sainyo. Psh.]
Ngayon, nasa loob na kami ng office ni Tito.
"Pumunta kayo dito dahil magtatransfer si Bianca at ikaw naman anak magaaral ka na?"
"Op--" sasagot na sana ako ng magsalita ulit si Tito.
"Tapos itatanong niyo kung anong kailangan para makapasok?"
"Op--" naputol na naman. =_=
"Okay na. Ako ng bahala."
"Okay po." Sa wakas, nakapagsalita na rin.
"Nga pala, Taeyeon. Diba may ekstrang 5 rooms ang dorm niyo?" tanong ni Tito.
"Opo Tito. Bakit po?"
"Nakausap ko na ang mga parents niyo dito, kayong 9 at etong nanay ni Bianca. Yung mga lalake na nasa labas. Dun muna sila titira sainyo. Pati rin itong si Fia. Dun muna sila. Isang taon lang naman. Ginagawa pa kasi yung bahay namin at nasa Hotel lang kami ngayon, medyo malayo kasi yung hotel dito kahit magkotse kaya dun muna si Fia sainyo. Tapos yung mga lalake naman, gagawin pa lang yung dorm nila. Okay lang ba sayo?"
Well, isang taon lang naman. Teka, ISANG TAON?! ISANG TAON NAMAKAKASAMA YUNG MGA HILAW?! OH. EHM. GHEE. Di ko kakayanin yun?!
"Taeyeon? Okay lang naman kahit hindi." at ngumiti si Tito.