Chapter 2

87 8 9
                                    

"Rina Rina yung laway mo tumutulo na!" pangaasar ni Mayen habang tumatawa ng malakas.

Nakakahiya hindi ko napansin na napatulala na pala ako kinina pa at pinagtatawanan niya 'ko habang nakasilip parin ako sa labas ng bintana.

"Sorry!" with matching punas ng laway ko. Char wala naman, eh.

Ang tagal naman naming bumaba! na eexcite pa naman na'ko.

"It's okay, at first hindi din ako makapaniwala pero nung tumagal tagal naniwala na din ako. Simula nung nagkwento sakin si lola tungkol sa history ng family natin."

Ah so dito nadin pala sya lumaki. Sa bagay sa laki ba naman nito kasya siguro dito yung isang barangay satin.

"Tara na lets go!" Ang hyper din pala ng babaeng to!

1-2-3

"Omg!" sa lakas ng pagkakasabi ko pinagtawanan ako ni Mayen dahil mukha ba naman akong taong bundok.

"Hahaha Ang ganda diba? pabayaan mo itutour kita dito mamaya," habang pinagtatawan parin ako. Baliw ata to eh mukha ba kong clown?

Paglapat ng mga paa ko sa sahig at nagsimula na maglakad papunta sa isang napakalaking pintuan...Grabe Daebak ganto yung mga napapanood ko sa kdrama ah.

"Rina magbow ka," bulong sakin ni Mayen.

Nakatulala lang pala ako kinina pa. Ay oo nga pala pagbobow yung pagpapakita sa kanila ng paggalang.

"Sino ba sila?" 

Mygad Rina syempre tao sila ano bayang mga tanong ko pang tanga.

Grabe ang dami nilang sumalubong samin sa harap ng gate para tuloy kaming mga hari at reyna char. Dami ba naman kasi ng nakapaligid at nakabow sa'min ngayon.

"Sila yung mga tagapagsilbi natin," sagot ni Mayen.

"Tagapagsilbi?!" ay ang lakas pala ng boses ko.

"Shh! tumahimik ka," sabi ni Mayen habang hawak hawak yung bibig ko.

"Ay sorry hehe," as in lahat sila tagapagsilbi namin.

Nga naman kaylangan ng gantong karaming tagapagsilbi para sa gantong kalaking bahay. Ay este mansyon ba o temple ang itatawag ko dito?

○○○

"Yan na nga pala yung room mo. Pagpasensyahan mo na kasi old fashion parin dito,"

Si Mayen na lang kasama ko ngayon kasi magkahiwalay kami ng room ni daddy at magpapahinga daw muna sya.

"OKAY LANG! Ay sorry na excite lang ako. Ngayon lang kase ako nakakita ng ganto at tsaka hindi kaya panget ang old fashion!"

Ako nga pala ng dakilang tagapagtanggol ng old fashion char. Ang ganda kaya ng old fashion tapos ang ganda rin magpicture picture dito pangIG. Kahit hate ko ang history gusto ko parin anything na old or vintage.

"Talaga nagustuhan mo?" tanong  ni Mayen.
Habang tuwang tuwang parang ewan. Mukhang magkakasundo talaga kami nito eh parehas baliw.

"Oo naman!" sabi ko habang natatawa kasi nakakatuwa yung itsura niya. Naaapreciate niya din kasi yung old fashion.

"Sige maiwan na kita," sabi ni Mayen habang nagmamadaling umalis.

wait wait may itatanong pa ko sa kanya kaso wait nakalimutan ko. Haya ano bayan......ALAM KO NA!

"WAIT MAYEN, MAYEN!!!"

Bat ang bilis nya maglakad. Tatanong ko sana sa kanya kung anong lugar to? at anong name ng temple na 'to? Busy kasi kinina sina lola at daddy sa paguusap kaya diko natanong. Pati narin kung bakit kami nandito? sabi kase ni daddy hindi din daw niya alam. Pero sabi naman ni lola sobrang halaga daw ng ipinunta namin dito.

Tunay Na Pagibig |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon