Kasal
"Won!"
"Aba naaalala mo pa pala ako!" nakangising sabi niya.
"Oh kayo! Ang alak sa tiyan dinadala hindi sa utak!" sabay bato niya dun sa natitirang lalake.
"Kung maghahanap kayo ng mapagnanasaang babae pumili naman kayo nung maganda!"
Aba nang iinsulto ba 'to?
"Hoy kala ko ba tutulungan mo kami?" sigaw ko sa kanya.
"Oo nga sinasabi ko lang yung totoo," natatawang sabi niya.
"Lumayas nga kayo kung gusto niyo pang makauwi ng buhay!"
Yabang.
Kumaripas naman ng takbo yung tatlong lalaki dahil sa sinabi ni Won. Basagulero talaga.
"Oh ano wala man lang bang salamat?" papalapit na sabi ni Won.
Yabang talaga!
"Tseh!" pagtataray ko.
Lumapit nalang ako kay Lee at inalalayan siyang tumayo. Tulog parin, buti nalang walang nagyaring masama.
"Tulungan na kita," lapit ni Won at kinuha si Lee.
"Kaya ko na!"
"Huwag ka ng magmalakas. Hindi masama humingi ng tulong,"
Hindi narin ako nakaangal at binigay na sa kanya si Lee...wait amoy alak siya!
"Hoy nakainom ka ba?" sigaw ko sakanya ng makalapit ako.
"Baka mamaya may balak ka saming dalawa,"
Hinawakan ko siya sa kwelyo at akmang susuntukin.
"Oo nakainom ako pero hindi ako lasing. At isa pa kung ikaw lang naman ang pagnanasaan ko huwag nalang!" natatawang sabi niya sabay tanggal ng kamay ko sa kwelyo niya.
"Nakokonsensya lang ako at tinutulungan ko kayo. Baka isumbong mo pa 'ko sa mahal na hari."
"Talaga lang kaya wag kang magkakamaling may gawing masama sa 'min kung hindi makakatikim ka sa 'kin ng suntok,"
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Ibang iba ka na talaga,"
"Bakit naman?" tanong ko.
shit oo nga pala dapat magpanggap ako bilang totoong Rina.
"Sa iyong mga kinikilos lalong lalo na sa mga salitang iyong binibigkas. Kakaibang kakaiba sa iyong pagiging tahimik noon," nakangiting sabi ni Won.
Bakit hindi ba madaldal yung totoong Rina? At aba natatawa pa siya. Mukhang good mood pa at tinulungan ako.
"Lalong nakapagtataka't kinakausap mo ako. Tinatarayan mo pa ako. Samantalang dati ay ni tingin sa 'kin ay hindi mo ginagawa,"
"Ahh ganon ba...edi hindi na kita kakausapin,"
"Biro lang mas gusto ko yung kinakausap mo 'ko at hindi ka tahimik,"
"Okay."
Napakamot ako sa ulo dahil sa pagiging madaldal ko. Oo nga mukhang tahimik lang yung totoong Rina at babaeng babae ang kilos samantalang ako kung ano anong ginagawang kalokohan.
"Maaari ba muna tayong umupo? Ang bigat ng pinsan mo at malayo pa tayo sa inyong kaharian."
Tumango naman ako at inalalayang ibaba si Lee sa tabi ng puno para maisandal. Umupo si Won at tumabi ako sa kanya. Tiningnan niya ko na parang sinasabing 'anong ginagawa mo?'.
BINABASA MO ANG
Tunay Na Pagibig |COMPLETED|
Historical FictionInspired to Scarlet Heart Ryeo🥀 [#1in TUNAYNAPAGIBIG] [Highest Rank #22 in HISTORICAL and #31 in HISTORICAL FICTION] Tungkol ito sa isang babaeng may nakalimutan sa kanyang nakaraan na mababalikan niya sa hindi inaasahang pagkakataon. Panahong hin...