Una't huling pagibig
Nakatitig ako sa kanya habang tumutulo ang kanyang mga luha. Hindi niya inaalis ang titig sa akin.
Isang minuto ang lumipas...
Tumayo siya at dali daling umalis at pinunasan ang kanyang mga luha.
Okay lang ba siya?
Sundan ko kaya?
"Teo!" sigaw ko habang hinahabol siya.
Hindi siya lumilingon o tumigil man lang sa paglalakad. Ang hirap habulin, ang lalaki ng hakbang.
"Pst!" sitsit ko pero hindi parin siya lumilingon.
Hayst! Ano bang problema nang lalaking 'to? Full force na ang pagtakbo ko at dali daling hinablot yung kamay niya para pigilan siya.
"Teo ayos kalang ba?" tanong ko sakanya.
"Umalis kana," sabi niya.
"Kaylangan mo ba ng kausap? Andit-" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng bigla niyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kanya.
Napakasungit naman nito nagaalala lang naman ako sa kanya.
Aalis na sana ako ngunit diko alam pero parang may naguudyok sa 'kin na kausapin siya.
Oo nga pala kailangan kong magsorry sa kanya kung ano man yung nasabi kong masama. Galit pa kaya siya sa 'kin? Hay bahala na basta kailangan makapagsorry ako sa kanya.
Hinabol ko siya kahit hirap na hirap na 'ko dito sa bwisit kong damit na napakahaba at napaka bigat.
Naabutan ko siya at dali daling hinawakan yung kamay niya...shit ang lambot ng kamay niya.
Napahinto naman siya at lumingon sa 'kin. Kitang kita ko sa kanya na tinatakot niya 'ko ngunit iba ang nakikita ko. Galit man yung ekspresyon ng mukha niya pero iba naman yung sinasabi ng mga mata niya.
Napapikit ako at huminga ng malalim.
"Teo... Patawa-" bago paman ako matapos sa sinasabi ko ay nagulat ako ng higpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at...
"Ano ba! Hindi mo ba ako titigilan! Ilang beses ko kailangang ipagtabuyan ka para lumayo ka! Sino kaba para kausapin ako?"
"Nandito lang naman ako para humingi ng tawad," at napaatras ng konti dahil sa sigaw niya.
"Tawad para saan?!" patuloy na sigaw niya.
Hindi ako papayag na sigaw sigawan niya lang ako. Ako na nga yung humihingi ng tawad at nagpapakumbaba sisigawan pa niya 'ko!
"Yun na nga eh! ano bang kasalanan ko sayo ha?!" hindi ko na napigilan at nasigawan narin siya.
Natahimik siya at nagsimulang tumulo ang mga luha niya... shit sorry nadala lang ako ng emosyon. Hindi ko sinasadyang sigawan ka.
"Sino kaba ha?! Sino ka para sabihin sa 'kin yan?!" sigaw niya habang umiiyak at galit na galit sa 'kin.
Fuck shit. Oo nga naman sino ba 'ko sa kanya. Tagos sa puso ko yun ah! Naspeechless ako...
"Wala kang alam! Hindi mo alam! Hindi mo alam yung nararamdaman ko! yung nagmamahal ng taong hindi ka mahal!"
Sa mga sinabi niya, para akong pinana ng sampung beses. Naramdaman ko yung sakit na nararamdaman niya nasa bawat salitang binitawan niya.
BINABASA MO ANG
Tunay Na Pagibig |COMPLETED|
HistoryczneInspired to Scarlet Heart Ryeo🥀 [#1in TUNAYNAPAGIBIG] [Highest Rank #22 in HISTORICAL and #31 in HISTORICAL FICTION] Tungkol ito sa isang babaeng may nakalimutan sa kanyang nakaraan na mababalikan niya sa hindi inaasahang pagkakataon. Panahong hin...