Simula

78 6 0
                                    

Mahirap simulan,
Laluna't mahirap,
Tapusin.

Tatandaan mo to!

Lahat ng ito ay nangyari,
Hindi mo man aminin,
Gustuhin mo man o hindi,
Ito ay totoo!

Ayaw mo man,

Ngunit kailangan,

Para sayo,
Para sa kanya.

Sa lahat lahat,
Na gustong maalala,
Mapait man o masaya,
Ang bawat pinagsamahan.

Mga bagay na kailangan
Maalala....

Na ikaw lamang ang nakakaalam.



[April 2, 2017]
-last day of school-


Kaylan ba matatapos ang lahat ng ito? Nakakatamad na paulit ulit na lang. Last subject pa namin CLC kaaburido kaumay! Sabagay last day naman na tapos na ang mga paghihirap ko, konting tiis na lang.

Kaso nga lang panibagong taon na naman tapos aral-aral-aral na naman paulit ulit na lang ang nangyayari sa araw araw na buhay ko. Gusto ko naman may magbago sa mga nangyari at ginagawa ko.........

Makatulog na nga lang....10 minutes na lang naman eh, tapos time na!

Magbabago na ang lahat!


Pagyuko ko hindi ko alam kung anong nangyari pero sumakit ata ang ulo ko sa pagkakayuko. Nakaramdam na 'ko ng antok. Antok na sa pagpikit ng mga mata ko isang boses ang narinig ko.

"Ikaw lang ang mahal ko tandaan mo yan. Ayaw mo man sakin...pero ikaw lang,"

Huling boses na narinig ko bago makatulog at mawalan ng malay.....






[Kingdom of Wei]
-China (220)-

Nagising ako sa pagkakatulog ko......

"Arayy!"

Pinilit kong tumayo pero ang sakit ng katawan ko. Ano bang nagyari? Bakit ang sakit ng katawan ko?

Nang mapagtanto ko nakahiga pala 'ko sa sahig. Sa sahig? Bakit ako nakahiga sa sahig? Ang alam ko natutulog lang ako kinina sa armchair ng upuan ko ah! Bakit nasa sahig nako?...haya baka nahulog ako sa upuan ko nakakahiya!....pero hindi! bakit mukhang n-nasa- i-isang templo? TEMPLO? bakit ako nasa templo may isang larawan sa kaharap ko at may mga insenso, pagkain, at kandila sa harapan ko. Ang alam ko bukas pa ang punta namin ng China ah! Hinawakan ko yung ulo ko at nang makita ko yung kamay ko.......OMG MAY DUGOOOOO! DUGO! DUGO! Bakit may dugo? Ayoko ng dugo! Takot ako sa dugo! At dahil sa nakita ko---mukhang hihimatayin nanaman ako. Pero bago ako mawalan ng malay at ipikit ang mata ko, 5 lalake ang papatakbo sa'king  lumapit at binabanggit ang pangalan ko....

"Rina, rina, rina, rinaaaa!!!"

At unti unti na 'kong nawalan ng malay....


-----------------------------------------------------------------------------

Tnx!

Tunay Na Pagibig |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon