Pagkatalo
Okay natapos nadin ang pagpapantasya ko kay Han at binati nalang sila.
"Magandang umaga po mga mahal na prinsipe," sabay naming bati ni Lee sa kanila.
Pagangat naman namin ay walang nagsasalita at nakatingin lang sila sa 'kin.
Bakit? Anong meron? May dumi ba 'ko sa mukha?
"Magandang umaga rin mga prinsesa at mas maganda pa kayo sa umaga," bati naman ni Huan.
As usual siya lang naman ang vocal sa kanila. Siniko naman ako ni Lee dahilan para matauhan ako.
"S-salamat p-po!" nauutal na sabi ko.
"Ahh sige po aalis na po kami!" at dali dali ko nang hinila si Lee sa may silong para makalayo sa mga prinsipe.
"Lee may itatanong nga ko sayo? Anong meron samin niyang si Huan na yan ha!?" galit na tanong ko sa kanya.
Pero aba tinawanan lang ako.
"Aba hindi ko alam sa inyo!"
"Eh bakit parang ano...Bakit napaka ano niya! yung ano basta alam mo na yun!" tapos ayan tinatawanan na naman ako.
"Nakalimutan mo na ba matagal ng may pagtingin sayo si Huan kaso nga lang dahil sa magkaaway ang inyong ama hindi siya pinahintulutan sa paghingi ng iyong kamay bilang maging isang asawa!"
Ano asawa? Aba loko yun ah!
"Teka nga lang ano bang ginagawa natin rito? At bakit parang tayo lang ang babae?" tanong ko sa kanya.
"Maghintay kalang kase at dadating na sina----".
Hindi na natapos ni Lee ang sasabihin niya ng...
"Wu Sun ng Wu" biglang may pumasok na babae na may kasamang isang batang babae.
Hindi naman siya bata kase dalaga na siya medyo bata lang ng konte sa 'kin. Nagulat naman ako ng yakapin nila si Lee at kumaway sa 'kin. Mukhang akmang yayakapin din nila 'ko.
Tumatakbo sila sakin.
"Rina! Sa wakas nakita kita ulit. Nagalala ako sayo! maayos kana ba?" habang yakap yakap parin niya 'ko.
Siya daw si Wu Sun kaibigan ko daw Ayon kay Lee. Maganda siya at malaki ang ano! alam nyo na...HINAHARAP. Kasama niya naman ang isa ko pa daw kaibigan si So Hyun anak ni Heneral So na siyang namamahala sa mga kawal ng pamilya Wu o kaharian ng Wu.
"Maayos na 'ko hehe," sabay alis ng pagkakayakap niya sa 'kin at niyakap naman ako ni So.
"Mabuti naman at naaalala mo pa kami ni So," sabay hawak niya sa braso ko.
"Aba oo naman hinding hindi ko kayo makalilimutan!" sabi ko kahit hindi ko naman talaga sila kilala.
Pero i feel mababait naman sila.
"Mabuti naman Rina!" sabay kapit naman ni So sa kabilang braso ko.
"Hoy ano ba yan bitawan niyo nga si Rina at magsisimula na tayo!" sabi ni Lee habang nakapamewang.
"Teka maayos na ba si Rina para magsanay?" nagaalalang tanong ni Wu.
"Oo nga Lee kaya na ba ni Rina makipaglaban?"
Ano makipaglaban? Wait sinong kakalabanin?
"Hoy Rina wag kang magalala magsasanay lang tayo!" sabi ni Lee habang hawak hawak na yung pana niya.
BINABASA MO ANG
Tunay Na Pagibig |COMPLETED|
HistoryczneInspired to Scarlet Heart Ryeo🥀 [#1in TUNAYNAPAGIBIG] [Highest Rank #22 in HISTORICAL and #31 in HISTORICAL FICTION] Tungkol ito sa isang babaeng may nakalimutan sa kanyang nakaraan na mababalikan niya sa hindi inaasahang pagkakataon. Panahong hin...