Ika-15 Kabanata

42 5 0
                                    

Una't huling pagibig



Tumatakbo ako ng makaramdam ako ng sakit sa puso ko. 

Sina Won at Wu.

Hindi maayos lang sila. Nakarating na siguro sila sa ama at ina ni Wu.

Tumakbo muli ako ngunit tumigil din ng may nakasalubong na mga kalaban.

Lima.

Takbo...

Anim.

Takbo...

Tatlo.

Takbo...

Lima.

Takbo...

Ilan paba? Ilan pabang tao ang babawian ko ng buhay.

Tinitigan ko ang esapada ko.

Simula sa hawakan na may nakaukit na pangalan ko hanggang sa talim nito na nababalot ng dugo. Habang pinagmamasdan ko ang pagtulo ng dugo hindi ko mapigilang malungkot at magalit.

Ang buhay ay bigay ng diyos at walang sinong maaaring kumuha nito kundi ang diyos rin. Sa mga taong binawian ko ng buhay paano ang kanilang mga pamilya? Ngunit kailangan ko ding mabuhay.

Gusto ko ding mabuhay.

Patawad. Sana mapatawad niyo ako.

Natigil ako sa pagiisip ng makarinig ako ng malakas na pagtatama ng espada.

Tumakbo ako at natuntong papunta ako sa sentro ng laban.

Halos nandito lahat ng mandirigma at naglalaban. Ipinaglalaban ang kanilang kaharian.

Tumigil ako at pinagmasdan ang paligid. Nagkalat ang mga katawang walang buhay. Maririnig ang ingay dulot ng sigawan, pagtatama ng espada, at pagtakbo ng kabayo. Sigaw dulot ng sakit, galit, at patuloy na paglaban. Ang mga dugo ay patuloy na pumapatak at humahalo sa lupa.  

Tiningnan ko ang damit ko. Katulad ng mga naririto ay punit punit ang aking damit, may sugat sa katawan, at may dugo sa katawan dahil sa sugat o talsik ng dugo mula sa aking mga nakalaban. Ibang iba ang itsura ko ngayon sa normal na araw kung saan wala akong ibang pinoproblema kundi magreklamo dahil sa tagal ng pagbibihis sa akin.

Napangiti ako ng mapait...sana katulad na lang ng dati. Mababalik pa kaya ang dati? Ang maayos, malinis, at tahimik na kaharian?

Isa lang ang nasisigurado kong hindi na maibabalik...buhay...buhay na kinuha, mga buhay na ibinuwis dahil sa walang kwentang digmaan. Mga nasayang na buhay.

Napapagod na ako...napapagod din ako.

Hindi ko dapat nasasaksihan ang mga bagay na ito. Ngunit hindi ko kayang magbulag bulagan at sabihing wala akong paki alam sa bagay na ito.

"Ah!"

Umikot ako sa sinaksak siya mula sa likod. Nasugatan ako sa balikat.

Papunta ako sa likod ng isang bato ng matanaw ko sa malapit si  So at Yuan.

Nasa likod ni So si Yuan at nakikipaglaban. Bakit nandito sila? Delikado dito! Nakita ko kung paano nahihirapang makipaglaban si Yuan.

Matapos mapatumba ni So ang kanyang kalaban ay umikot siya at siya na ang pumatay sa kalaban ni Yuan. Bakas sa mukha ni So ang pagod.

Tunay Na Pagibig |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon