Ika-13 Kabanata

50 5 0
                                    

Hinala



"Umalis na kayo baka gabihin pa kayo," sabi ko kina Wu at So.

Kahit papaano ay nagkaroon ako ng pagasa.

Pagasang hindi matutuloy ang digmaang ito.

○○○

"Wu pupunta sila diba? Sinabi mo namang mahalaga itong paguusapan natin?" tanong ko kay Wu.

Ikalawang araw na bago ang digmaan. Hindi pa rin nahuhuli ang salarin.

Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng puno kung saan ako laging tumatambay. Kailangan kong makausap ang apat na prinsipe. Dito nakasalalay ang buhay ng mga mamamayan. Buhay naming lahat.

"Oo  nakausap ko sila ngunit saglit lang. Hindi pinapayagang manatili ng matagal ang mga hindi kaanak ng pamilya Kim."

Nakita ko namang parang tulala si So. Sinundot ko siya ng hawak kong kahoy pero parang hindi niya man lang naramdaman.

Tiningnan ko si Wu at iniginuso si So kung anong problema non. Nagkibit balikat lang si Wu.

Ano kayang problema nito? Parang sobrang lalim ng iniisip.

"So!"

Hindi man lang ako nilingon.

"So!"

Parang walang narinig.

"Hoy So!" binatukan ko na.

"Ano ba Rina?!"

"Ikaw anong problema mo? Kinina pa kita tinatawag parang wala kang naririnig,"

Napayuko naman siya.

"Pasensiya na...may iniisip lang,"

"Pwede ba naming malaman kung ano yang iniisip mo? Malay mo matulungan ka namin,"

Tumango naman sina Lee at Wu. Mukhang nagaalala din kay So.

Mukhang nagaalinlangan naman si So na sabihin sa 'min...

"A-ano kase...hindi naman sa sinasabi kong matutuloy ang digmaan ngunit pano kung matuloy ang digmaan? Paano yung mga hindi marunong makipaglaban? Katulad ni a-ano...n-nila Y-yuan. Maaari kaagad silang mamatay sa digmaan. Sa digmaan laging unang hinahanap ay ang mga matataas o anak ng hari at reyna. Tiyak na sila ang pupuntiryahin ng mga kalaban,"

Nagkatinginan naman kami dahil sa haba ng sinabi ni So.

Napaubo si Wu, pinipigilan naman ni Wu yung tawa niya, at napangiti naman ako. Nang nakita ni So yung reaksiyon namin ay parang nataranta siya. 

"A-ano ganto kase! Kahapon pagpunta namin sa kaharian ng Shu. Nakausap ko este n-namin pala ni Wu si Yuan. Kinakabahan daw siya kung sakaling  matutuloy ang digmaan. Hindi daw kase siya magaling makipaglaban,"

Tinaasan naman siya ng kilay at tinitigan ni Wu dahil sa sinabi niya.

"Ako kinausap ni Yuan? Ik--,"

Hindi na natuloy ni Wu ang sasabihin niya dahil tinakpan ni So ang bibig niya. Natawa naman kami ni Lee dahil kahit hindi sabihin ni Wu mukhang alam na namin kung anong nangyari.

Concern si ate gurl.

Namula naman sa hiya si So.

"Ayan na ang mga prinsipe!" sigaw ni Lee.

Napalingon kaagad si So sa likod at natawa naman kami. Binibiro lang namin siya dahil mukhang kabadong kabado ang itsura niya.

"Ganto kase yan pagpunta namin sa palasyo naabutan namin ang dalwang prinsipeng nagdadasal. Wala si Yuan, kaya naman tinanong ni So kung nasaan,"

Tunay Na Pagibig |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon