Ikaw
"Ikakasal ako kay Wu."
Loading...
"Shit ikakasal ka kay Wu as in Marriage ganon!?" sigaw ko sa kanya.
"Hindi ko naintindihan yung ibang sinabi mo pero oo ikakasal ako sa kanya,"
"Patawad nabigla lang ako kaya kung ano anong nasabi ko,"
"Pero totoo nga ikakasal kayo? Alam ba ni Wu to? Yung tungkol diyan?" sunod sunod na tanong ko.
"Sandali lang isa isa lang ha! Una sa lahat Oo totoo. Si ama mismo ang nagsabi sa 'kin kinina kaya nga naglalasing ako kaso hindi ako malasing lasing. Pangalawa hindi ko alam...hindi ko alam kung alam na ni Wu yung tungkol dito,"
Uso pala talaga arrange marriage dati. Hanggang ngayon naman.
"Pero sandali sigurado ka ba na hindi alam ni Wu yung tungkol diyan?" tanong ko ulit.
"Hindi ako sigurado. Diba magkaibigan kayo? Maaari mo bang itanong sa kanya? Kung maaari rin ay pakisabi na kung maaari lang pakihinto yung kasal. Alam ko mahirap pero diba baka maiwasan pa ang kasal hanggat maaga. Kung ayos lang sa iyo. Pero ayos lang kung ayaw mo o labag sa iyong kalooban,"
"Hindi ako sure este hindi ako sigurado kung makukumbinsi ko siya pero susubukan ko," nakangiting sabi ko sa kanya sabay titig sa mata.
Hindi ko makakailang gwapo talaga siya! Umiwas naman siya ng tingin sa 'kin ng tingnan ko siya...anong problema nito?
"S-salamat!"
"Walang anuman! Maliit na bagay kaso tingin ko hindi papayag yung tatay ni Wu este yung ama niya! Alam naman nating gustong gusto ka ni Wu diba,"
"Yun na nga eh baka hiniling niya sa kanyang ama na ikasal kami kaya nangyari 'to,"
"Kilala ko si Wu hindi niya magagawa yang sinasabi mo. Alam kong gusto ka niya pero hindi siya desperada na magpakasal sa taong hindi siya mahal. Gusto niyang makasal sayo sa oras na mahal mo na siya. Sabihin mo nga sa 'kin wala ka ba talagang kahit isa o katiting na pagtingin para sa kanya?" tanong ko.
Kawawa naman kase yung kaibigan ko. Siya lang yung nagmamahal at hindi man lang nasusuklian yung pagmamahal na binibigay niya.
Alam kong gusto niyang masuklian yung pagmamahal niya pero hindi sana yung pilit...yung totoo, yung kusang binibigay!
"Huminahon ka. Iyon ay haka haka ko lamang. Pero oo nga alam kong hindi kayang gawin ni Wu 'yon. Matagal ko na siyang kilala. Bata palang kami kilala ko na siya at bata palang kami alam ko ng may pagtingin siya sa akin. Makulit, masiyahin at madaldal yon! Masarap ding kausap. Pero kadalasan tinatakbuhan ko siya para hindi siya makausap. Madalas din akong sundan at kausapin kahit na ayokong makausap siya. Pero wala talaga eh kaibigan lang yung tingin ko sa kanya. Kahit sabihin kong kaibigan lang tingin ko sa kanya patuloy parin daw niyang 'kong mamahalin! Matibay din yang kaibigan mo! Taon na ang lumipas pero ganon parin patuloy na nangungulit. Sanay na din ako sa presensya niya! At ni minsan hindi ko nakitang tumingin sa ibang lalake at sa 'kin lang. Sa gwapo ko ba naman na 'to maghahanap pa ba siya ng iba!"
"Hay nako! meron o wala lang naman isasagot mo kung ano anong sinabi mo!"
"Kawawang Wu friend zone is real," bulong ko.
"Ano yun?" tanong ni Won.
Sa mga sinabi niya alam kong may gusto siya kay Wu parang hindi palang niya nagegets yung nararamdaman niya indenayal pa! Pero once na mawala si Wu dun niya lang marerealize na mahal niya si Wu.
BINABASA MO ANG
Tunay Na Pagibig |COMPLETED|
Historical FictionInspired to Scarlet Heart Ryeo🥀 [#1in TUNAYNAPAGIBIG] [Highest Rank #22 in HISTORICAL and #31 in HISTORICAL FICTION] Tungkol ito sa isang babaeng may nakalimutan sa kanyang nakaraan na mababalikan niya sa hindi inaasahang pagkakataon. Panahong hin...