Ika-14 Kabanata

51 5 0
                                    

Simula



Naramdaman kong may nagtatakip ng aking bibig. 

Nagulat ako ng makita si Lee.

"Lee anon--," tinakpan niya muli ang bibig ko.

"Shhh Rina nagsisimula na ang digmaan. Madaling araw  at sa tingin ko ay papunta na dito ang mga kawal,"

Napabangon naman ako sa sinabi ni Lee.

Simula na? Tuloy ang digmaan?

Mukhang nakita ni Lee ang pagtataka sa aking mukha.

"Patawad Rina...wala tayong nagawa. Tuloy ang digmaan," nakayukong sabi ni Lee.

"Asan sina Wu at So?"

"Nakapagusap na kami. Pupuntahan nila ang apat na prinsipe at magkikita kita tayo sa puno kung saan tayo nagusap nung isang araw. Mas magandang magkakasama tayong lahat upang walang mapahamak,"

"Sina Ama at Ina?" Paano sila? Nasaan sila?

"Huwag kang magalala nasa palasyo sila kasama ang aking mga magulang. May sapat tayong mga kawal upang magbantay sa kaharian,"

Napahilamos sa mukha si Lee.

"Ngunit sa labas ay kulang tayo sa kawal. Masyadong maraming kawal ang nasa kabilang panig," namomoblemang sabi ni Lee.

"Kung ganoon ano pang hinihintay natin? Umalis na tayo!" at bumangon na 'ko.

Kinuha ko ang espadang regalo sa 'kin ni ama.

Panginoon gabayan niyo po kami. Kayo na pong bahala sa amin.

Lumabas na kami ng silid. Nagtago kami agad ng may makasalubong kaming mga kawal. Kalaban.

Shit may kalaban din sa likod. Wala kaming ibang pagpipilian kung hindi kaharapin sila.

Si Lee sa likod ako naman sa harap. Ito Ang kaunaunahang pagkakataong papatay ako ng tao. Hindi ko inaasahang gagawin ko ito.

Napatumba ko ang aking mga kalaban ganoon din kay Lee. Nang makita ko ang pagagos ng dugo sa aking espada ay kasabay din ng pagtulo ng aking luha. Patawad.

Dali dali na kaming tumakbo at sumakay sa mga nakahandang kabayo sa labas.

"Rina sumunod ka sa akin may alam akong ibang daan,"

Tumango naman ako at sumunod sa kanya.

Mukhang isang sikretong daan ito dahil wala kaming nakakasalubong na kalaban.

Ang palatandaan ay may kulay pulang tela ang mga kawal ng Shu at Wu. Samatalang asul naman para sa aming mga kawal.

Nagulat ako ng may humarang sa amin sa daan.

"Rina!" sigaw ni Wu. Kalaban.

Anim na kawal. Bumaba si Wu sa kabayo, bababa nadin sana ako ng...

"Wag kang bababa! Mauna kana diretsohin mo lang ang daan! Dali bilis!" utos ni Lee.

Hindi! Hindi ko siya iiwan!

Sakay ng kabayo inatake ko ang natitirang kalaban habang kinakalaban ni Lee ang iba.

"Rina mauna kana! Wala na tayong oras naghihintay na sila! Pangako susunod ako!"

Tunay Na Pagibig |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon