I love you after death
Umiiyak ako habang nakikipaglaban.
Hindi ko kaya ang naririnig ko.
Ang pagpapalitan ng...
"Mahal kita So!"
"Mahal din kita Yuan!"
Ang sakit tang ina! Hindi dapat nangyayari 'to. Wala sanang mamatay kung hindi natuloy ang digmaan!
Yuan...
Napakabata niya pa para mawala. Si So, paano si So? Bakit ngayon pa kung kailan unti unting nagkakamabutihan yung dal'wa?
Patuloy ako sa pakikipaglaban. Binuhos ko lahat ng galit ko sa mga nakikita ko at pinapatay ko sila.
Nilingon ko si So sa likod ng bato. Yakap yakap niya parin si Yuan at umiiyak.
Napatakip ako sa bibig ng makita kong parehas silang nababalot ng dugo. Parang walang paki alam si So at yakap yakap parin ang walang buhay na katawan ni Yuan.
Wala siyang balak umalis, alam ko. Wala siyang balak iwan don si Yuan.
Tumakbo akong umiiyak ngunit napahinto ng matalisod ako. Napaluhod ako at hindi ko na napigilang mapahagulgol.
Bakit?
Bakit kailangang masaksihan at makita ko silang ganon? Dal'wang taong bumibigkas ng pagmamahal sa isa't isa habang nagaagaw buhay yung isa. Ang sakit!
Kung ako nasasaktan pano pa kaya si So na siyang nawalan ng mahal sa buhay?
Narinig ko kung paano humiling si Yuan. Hindi ko kayang magbingi bingihan.
Narinig ko kung paano niya sabihin na si So ang una't huli niyang mamahalin, kung paano niya naramdaman ang tunay na pagibig sa piling ni So.
Tunay na pagibig...
Doon ko naintindihan na ang tunay na pagibig ay hindi tungkol palagi sa iyong matatanggap na pagmamahal. Dahil ang tunay na pagibig hindi naghahangad ng kapalit o sukli na pagmamahal. Handa kang magmahal ng buong puso kahit walang kasiguraduhan kung makakatanggap ka ng pagmamahal na ninanais mo.
Masaya ka kapag nakikita mong masaya ang mahal mo at hindi ka makasarili at handa mong palayain ang taong mahal mo kung gugustuhin niya.
Dahil ang malayang pagibig ay katumbas ang isang tunay na pagibig.
Nagulat ako ng may biglang humatak sa 'kin.
Si Han!
"Han! Anong gi--,"
"Rina sumama ka sa 'kin,"
"Ha? Teka diba kasama mo si Teo?" nagtatakang tanong ko.
Alam na kaya niya ang nangyari kay Yuan?
"Han si Yuan wala na siya..." naiiyak na sabi ko.
Nakita ko namang napatango siya. Alam niya?
"Oo alam ko Rina nakita ko,"
Hindi ba siya malungkot? Magagalit? Bakit walang ka emosyon emosyon ang mukha niya?
"Kaya nga halika na Rina tumakas na tayo," bigla kong binawi sa kanya ang kamay ko.
"Anong sabi mo Han tumakas? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" galit na sabi ko sa kanya.
Tumakas? Iiwan niya ang lahat ng nandito? Namatay ang kapatid niya! Nakikipaglaban lahat ng nandito tapos tatakas lang siya!
BINABASA MO ANG
Tunay Na Pagibig |COMPLETED|
Ficción históricaInspired to Scarlet Heart Ryeo🥀 [#1in TUNAYNAPAGIBIG] [Highest Rank #22 in HISTORICAL and #31 in HISTORICAL FICTION] Tungkol ito sa isang babaeng may nakalimutan sa kanyang nakaraan na mababalikan niya sa hindi inaasahang pagkakataon. Panahong hin...