Teaser

13.7K 244 0
                                    

"Lahat ng mga ginagawa ko, lahat ng bagong pangarap ko, binubuo ko nang kasama ka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Lahat ng mga ginagawa ko, lahat ng bagong pangarap ko, binubuo ko nang kasama ka."

Tahimik ang mundo ni Jasmin bilang assistant ng limang taon na niyang boss na si Sir G. Masaya siya sa trabaho, nag-e-enjoy kasama ng mga kaibigan sa trabaho, at naging best friend pa niya ang guwapong abogado ng kanyang boss.

Hindi niya naisip na sa isang iglap ay magbabago ang lahat nang magkasakit ang boss niya. Kinausap siya ni Sir G bago ang gabing isinugod ito sa ospital—inilahad sa kanya ang isang bahagi ng kuwento ng pamilya nito. At bago lumipad patungo sa Amerika para magpagamot ay ibinilin sa kanya ni Sir G na alalayan ang nag-iisa nitong anak—si Gareth na naging pansamantalang kapalit bilang bago niyang boss.

Hindi napaghandaan ni Jasmin ang animo ipuipong pagdating ni Gareth sa kanyang buhay. Kung anghel ang ama nito, si Gareth ang buhay na counterpart niyon. Lahat sila ay tila gustong idamay ni Gareth sa galit sa mundo at sa miserableng buhay nito. Ngunit nang mamatay ang dati niyang boss ay naipit si Jasmin sa isang sitwasyong maglalapit sa kanya kay Gareth.

Unti-unting lumalim ang pagkakakilala niya kay Gareth... at hindi niya napaghandaan ang unti-unti ring pagbabago sa tibok ng kanyang puso...

Calle Amor PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon