Part 9: Unpleasant Thoughts

4.2K 152 13
                                    

MARAHANG iginalaw ni Gareth ang siwang ng blinds para silipin ang bagong dating. Umibis mula sa front seat ang babaeng hinihintay niya, bitbit ang lahat ng gamit mula sa opisina. Naka-uniform pa rin si Jasmin. Ibig sabihin, hindi pa ito nakakauwi nang tumawag siya. He wondered where she had been staying for the last ninety minutes.

Bumukas ang pinto sa driver's side. Umibis ang isang lalaki na pamilyar ang tindig at porma ng katawan.

"Atty. Davides," ani Gareth sa sarili. Ngayon ay may ideya na siya kung saan naglagi si Jasmin Lapuz sa nakalipas na mahigit isang oras—kasama nito ang pinagkakatiwalaang abogado ng kanyang ama!

Pakiramdam ni Gareth ay nadoble ang masama niyang pakiramdam tuwing nakikita si Jasmin. Hindi man niya gusto ay bumabalik sa kanyang isip na isa si Jasmin sa mga babaeng mas ginusto ng daddy niya na makasama kaysa sa kanilang mag-ina. Si Jasmin ang pinakamatagal na nakasama ng kanyang ama base sa mga impormasyong napasakamay niya. Limang taon nang nagtatrabaho si Jasmin sa ama at ang bukod-tanging babaeng iniuwi ng daddy niya sa bahay na iniwan nila ng mommy niya noon.

Nakita ni Gareth na mahabang segundong nakatingala lang si Jasmin kay Atty. Davides na nakangiti naman at may sinasabi. Hinawakan ng abogado ang balikat ni Jasmin. Gustong tumawa nang walang laman ni Gareth nang makitang marahang sumubsob si Jasmin sa dibdib ng abogado, pumaikot pa ang mga braso sa batok ng lalaki!

Nag-igtingin ang mga ugat niya sa mukha. Hindi makapaniwala sa nakikita. Wala pang isang linggong umalis ang ama niya, may kapalit na agad?

He could not be wrong. The woman was flirting with his father's trusted lawyer!

Nagbago na ang isip ni Gareth. Trabaho talaga ang dahilan kaya niya pinapunta si Jasmin pero nang mga sandaling iyon ay hindi na niya gustong magtrabaho.

Nagtatagis ang mga ngipin na lumabas siya ng silid...

Calle Amor PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon