Part 24: Encounter

4.4K 163 1
                                    

ALAS NUEBE na ng gabi ay naroon pa rin si Gareth sa parking area ng Rayos, sa loob ng kotse niya at walang kakilos-kilos. Hindi niya gustong umalis. Hindi niya gustong umuwi sa bahay ng ama—dahil wala ngayon sa bahay na iyon si Jasmin.

Hindi niya makikita ang seryosong ekspresyon ni Jasmin sa brainstorming room—ang pagod nitong mga hakbang patungo sa guest room pagkatapos ng trabaho, ang namumutlang anyo noong may lagnat, ang ngiti nang malamang siya ang naghanda ng soup, ang nag-aalangang paghiga sa tabi niya, ang awkward na pag-upo sa kanyang tabi habang nasa home theatre sila, at ang tahimik na pagsulyap sa kanya tuwing sabay silang kumakain.

Hindi niya makikita ang lahat ng iyon ngayon dahil hayun si Jasmin, sinundo ng lalaking mahal nito. Nahuhulaan na niyang hindi iuuwi ni Attorney Davides si Jasmin sa pamilya nito. Magdamag na magpapakaligaya ang dalawa sa piling ng isa't isa!

Hindi namalayan ni Gareth na ang higpit na ng pagkakahawak niya sa manibela.

Nang sa wakas ay napilit niya ang sarili na umalis, nagmaneho lang siya nang walang direksiyon hanggang sa lumalim na ang gabi. Nagda-drive pa rin siya nang hindi niya napigilang tawagan si Jasmin. Hindi nito sinagot ang tawag.

Lalong naging miserable ang pakiramdam ni Gareth. Hindi talaga niya gustong umuwi kaya wala sa planong pinuntahan niya ang building na naiwang ipinapagawa ng daddy niya bago ito namatay. Hindi pa niya iyon napupuntahan pero tumatak sa isip niya ang pangalan ng street—Calle Amor. Kasama iyon sa maraming properties na iniwan ng daddy niya sa kanya.

Sa gate ay nagpakilala si Gareth sa guard bilang anak ni Gaelle Montalvo. Humingi ng ID ang guwardiya, sinipat iyon bago siya pinayagang pumasok. Itinanong niya sa guwardiya ang direksiyon papunta sa Calle Amor bago siya umalis. Magulo ang pagkakaturo ng guard kaya naligaw siya. Sa kabilang street yata siya nakapasok. Bumalik siya para hanapin ang tinutukoy na "Prado" ng guwardiya.

May nakita siyang babaeng nagdya-jogging. Puting jogging pants at gray na cotton sleeveless ang suot ng babae, naka-pony tail ang mahabang buhok at naka-headband din ng puti. Bumusina siya para magtanong. Hindi siya pinansin ng babae. Saka lang niya napansing naka-earphones ito.

Huminto si Gareth sa mismong tapat ng babae. At huminto yata ang tibok ng kanyang puso nang bumaling ito kasabay ng pagtatanggal ng earphones. "Jasmin?"



"GARETH—Err, Sir?" gulat na bulalas ni Jasmin nang makilala ang lalaki. Ano ang ginagawa ni Gareth sa Calle Amor sa ganoong oras ng gabi? Naliligaw? Imposible naman yata iyon. Sa lahat ng maaaring pasukan ay sa mismong subdibisyon pa nila ito napadpad. "Ano'ng ginagawa mo rito, Sir?"

"Naliligaw ako."

"Naliligaw?"

"I'm looking for Prado? I followed the guard's instruction and here I am—ah...lost?"

"Prado? Park 'yon, Sir!" napapangiting sabi ni Jasmin. "Ang nakasanayang itawag ng lahat sa central park namin dito."

"Park?"

"Park na mabubungaran n'yo bago ang Calle Amor."

"I'm heading to Calle Amor. Where's Prado?"

"Ano'ng gagawin mo sa Calle Amor nang ganitong oras?"

"Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?" balik ni Gareth.

Napansin ni Jasmin na ilang minuto na pala silang walang hintong nagtatanungan. "Nagdya-jogging."

"Sa kasagsagan ng dilim?"

"Ito lang ang time ko para mag-exercise, eh. Hindi mo pa sinagot ang tanong ko, Sir. Bakit nandito ka?" Kaswal na dinaanan ng tingin ni Jasmin ang katawan ni Gareth na suot pa rin ang damit kanina sa opisina. "Hindi ka pa ba umuwi?"

Calle Amor PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon