Part 13: What Now?

4.1K 138 0
                                    

After fifteen lonely working days...

"BUO NA tayo. Puwede mo nang simulan ang coffee meeting natin, Jas," ani Elvina nang sa wakas ay dumating na ang hinihintay nila—si Connie.

Sa coffee shop na paborito nilang puntahan ni Daniel inimbita ni Jasmin ang mga kasamahan nang linggong iyon. "Okay," aniya, saka sumimsim ng kape. "Ano'ng plano n'yo ngayong hindi na babalik sa Rayos si Sir G?"

Natahimik ang lahat. Tulad ng inaasahan ni Jasmin, nadala lang ng emosyon ang mga katrabaho niya noong araw ng away nila ni Montalvo. Nagdadalawang-isip din ang mga kasamahan na iwan nang ganoon lang ang maraming taong ginugol sa Rayos. Idagdag pang hindi ganoon kadaling maghanap ng trabaho sa panahon ngayon.

"Ikaw, Jas? Ano'ng plano mo?" Si Elvina ang bumasag sa katahimikan. "Hindi ko gusto kahit anino ng boss natin pero hindi ganoon kadaling iwan ang Rayos, eh. Six years, ang hirap itapon n'on kahit walanghiya ang anak ni Sir G."

"Kakayanin ba natin?" Si Connie na napapangiwi.

"Sa tingin ko, kaya naman," sabi ni Jasmin. "Basta buo tayo. Walang aalis. Mas madaling tapusin ang mahirap na trabahong ipapasa sa atin ni Montalvo kung buo tayo. Pamilyar na tayo sa strength at weaknesses ng team kaya madali na lang ang lahat kung magtutulungan tayo."

"I think so too," sang-ayon naman ni Pop. "Walang kailangang umalis. Okay naman tayo, eh, right?"

"Hindi na ako aalis kung hindi ka rin aalis, Jas." Si Elvina.

"Kayanin na lang natin para kay Sir G."

Sabay-sabay na tumango ang mga kasama ni Jasmin.

"Sino'ng sasagot ng TGIS night natin?" biglang tanong ni Connie na lukot ang mukha. Ang TGIS night na sinasabi nito ay ang sama-sama nilang gimmick tuwing Sabado isang beses sa isang buwan, sagot ni Sir G ang food and drinks.

"Ako," naka-chin up na sabi ni Jasmin.

"Whoa!" bulalas ng mga mga kasama. "Ayos 'yan!"

Ngumisi si Jasmin. "'Pag mayaman na ako!" Bago pa siya masaktan ng mga kasama ay tumatawang nakalabas na siya ng coffee shop.

Calle Amor PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon