O edi ako na NGA NGA sa mga comments niyo last chapter. Hahahaha. This chapter will explain everything. Kaya kung may tanong, sige lang, sasagutin kayo ni Kath. Haha.
Ang sarap lang maglabas ng saloobin sa comment box diba? HAHAHA. :p
Ang reason ni Kath dito kung bakit ayaw magpakasal is not lame, it is based on a true story ;)
Everyone! Say hello to Baby Chloe (on the pic) ------>
Enjoy <3
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=Kath’s POV=
Iniwan na kami ni Alec dito kasi kailangan daw naming mag-usap pero walang makapagsalita sa amin, lahat nagtititigan na para bang masasagot ng mga tingin nay un amga tanong nila.
“Why so quiet?” Pambungad ni Chloe na nasa gitna naming, nakapalibot kasi kami sa kanya.
“PANO BA NANGYARI YAN??” panduduro ni Roma kay Chloe.
“Maka-YAN ka naman parang bagay si Baby Chloe ko.” Niyakap ko na lang siya.
“Hihi. Love you mommy!” Nikiss pa ako. How sweet.
“TEKA! WAIT! SANDALIIIII! EXPLAIN!!” Pagsigaw ni Erin.
“Haha! What a face Erin. That was so epic!” Pang-aasar ko pa.
“Kath naman kasi seryoso na, pano ba nagkaron ng Baby Chloe?” Ate Miq.
“Oh sige na nga. Ganito kasi yun…..”
.FLASHBACK.
Three years ago bago magkaaksidente. Andito ako sa kwarto ni D, 12 midnight, hinatid pa talaga ako nila Mama dito para mabati ko si D kaagad. Hihi. Iniwan nila ako ditto para ditto na magpaumaga.
“Happy Anniversary Baby Yatot ko!” masayang bati ko sa kanya at padampa akong sumampa sa ibabaw niya.
“Chacha!? Anong ginagawa mo dito!?” Tumingin pa siya sa oras. “Madaling araw pa lang ah!? Madilim pa sa labas! Pano kung may nagyari sayo papunta dito!? Ok ka lang ba? May------“
“Hep! Dami pang sinasabi! Hinatid po ako nila Mama dito. Ok lang ako at pumunta ako dito para mabati kita kaagad! Exzoited ako ee. Hihi! Happy anniversary!” Niyakap ko siya kaya napahiga na kami parehas.
“Ikaw talaga. Mahal na mahal kita.” Bulong niya sakin na nagbigay kiliti sa tenga ko.
“I love you too baby. Ibibigay ko na sayo regalo ko..” Sambit ko sa kanya.
“Ngayon na? Ano yun? Excited na ako.” I looked at his eyes na nakatitig lang sakin.
