Sorry for the long wait again. I think you have to be fond of me saying sorry for the delay. Weekly na talaga ako makakapag-update. Hope you understand.I love you all. So much. :) Thanks sa comments and messages. I super appreciate it, hindi man ako makareply pero binabasa ko yun for sure. :)
Again, sorry. And enjoy :)
(Sino ba naman makakalimot sa Prinsesa Prod ng KathNiel! Haha. Play the video on the right side)
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
=Kath’s POV=
“Daddy, I’m sleepy.” Humiga si Chloe sa balikat ni Daniel. Tumingin sakin but I smirked. Galit ako sa kanya sa mga sinabi niya pero bakit ganito nararamdaman ko? Natutuwa akong makita na ganun sila ni Chloe.
“Sleepwell my baby Chloe.” Sambit naman nitong Daniel na to. Feel na feel.
“Potek Kath pagsabihan mo yang boyfriend mo ha. Sinisira niya ang gwapo kong mukha.” Alec.
“EX!!!!” Sigaw ng ChiKas. Ok, edi sila na ang galit. Haha.
“Kelangan pag sigawan!? Wag nga kayong maingay natutulog yung anak ko!!” Sigaw naman ni Daniel. And we all bursted laughing. Hahaha.
“Feeler. Diyan na nga kayo. Mukhang kelangan niyo pang mag-usap. Bye. Let’s go ChiKas.” Erin.
There, they left us three. Nakangiti lang sakin si Daniel pero isang ngiting hindi rin sigurado. Alam niya siguro kasi na galit ako sa kanya. Dapat lang. Hinayaan ko na lang niyang kalungin si Chloe, naglakad ako, kasunod lang lagi siya. Tinamad na kong mag-ikot ikot, pumunta na ako sa parking, nakasunod lang din siya. Hindi ako umiimik kaya hindi kami nag-uusap.
Pagkasakay ko ng kotse, sumunod lang din siya ako sa driver’s seat siya sa tabi ko, buhat pa rin si Chloe na tulog pa rin. Nagdrive na ko, pag napapatingin ako sa kanya, ramdam kong gusto niya akong kausapin pero may kung anumang pumipigil sa kanya at nakikita kong napapabuntong-hininga na lang siya.
Nakarating na kami sa condo with no words spoken. Pakiramdaman lang.
“San---“
“Sa kwarto ko na lang..” Ipinasok na niya si Chloe sa kwarto ko, paglabas niya hawak ko pa rin ang pinto kaya alam na naman niya siguro na hindi ko pa siya kayang kausapin kaya dumeretso na din siya palabas ng condo. Isasara ko na yung pinto ng bigla niyang pigilan.
“Anak ko ba si-----“
“Wag kang feeling Daniel, kung anak mo si Chloe matagal ko ng sinabi sayo at wala pang nangyayari satin.”
“But---“
“At hindi yun ang dahilan kung bakit ayokong magpakasal sayo.”