ANG ATE NIYO AY NAGBABALIK! MOUAHAHAHAHA! PAGPASENXAHAN NIYO NA ANG KADRAMAHAN KO. PERO KERIBELS. AT LEAST OKAY NA AKO, KAHIT PAPANO. HIHI.
UUUYYYY! NABASA NIYO NA YUNG BAGO KONG ONE SHOT? TRY NIYO..
"SECOND CHOICE" YUNG TITLE :)
YUN LANG.... NAGBABALIK LOOB NA KO. MAS MASARAP MAGING MASAYA :)
HINDI KO KAYANG BITIWAN ANG #SW3
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-PART 2-
=Kath’s POV=
Seryoso pala si D nung sinabi niyang iuuwi na niya kami, hindi daw siya papayag na nakahiwalay pa kami sa kanya. Para makaiwas away na lang, pumayag na ko.
“Mauna na kayo sa condo. May kelangan lang akong gawin.” Tumango naman si D.
“Siguraduhin mo lang na hindi panlalaki yan ha.” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. At sinamaan siya ng tingin. “JOKE! Eto naman hindi mabiro, alam ko naman na ako lang ang lalaking mahal mo, wag kang mag-alala. Ikaw lang din naman ang mahal ko. I love you bibi ko.” Kinurot niya pa ang pisngi ko.
“Che! Sige na, iuwi mo na si Chloe at mukhang inaantok na.”
Nagflying kiss pa siya sakin tsaka lang sila umalis. Actually, wala naman talaga akong gagawin, gusto ko lang mapag-isa dahil gusto ko lang mag-isip isip kung tama ba ang naging desisyon ko na bigyan ng chance patunayan ni D. Hay. Pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung takot.
Dumeretso lang ako sa rooftop. Pero bago pa man ako makapasok.
PAAAAAAAKKKKKK!!!
PAAAAAAAKKKKKK!!!
Dalawang malutong na sampal ang nakita ko, kanino? Dun sa lalaking arogante na nakita ko din dito, lumabas na yung babaeng sumampal kaya pumasok na ko sa rooftop. Napatingin na naman ako sa kanya, kitang kita ang piSngi niyang namumula. Hahaha.
“Tatawa tawa ka diyan!?”
“Oh ikaw pala yan, Mr. Sasampalin ang mukha. HAHAHA.” And I really burst out in laughter.
“Oh ikaw pala yan, Ms. Malas. Alam mo bang twing pupunta ka dito lagi akong nasasampal!” Makasigaw.
“Sungit mo. At school ko to. Hello!? Tsaka bat andito ka ba palagi? Wag mo sabihin na dumadayo ka dito sa Le Cool University para lang masampal ng mga babae mo?? Haha.”
“Anyenyenye. Ulul. Alam mo Ms. Kathryn Chandria Bernardo, soon to be Padilla-----“
“WAIT! How did you know my whole name? Magkakilala ba tayo??”