I'M BACK! :)
BABALA: ANG CHAPTER PONG ITO AY NAGLALAMAN NG MGA BAD WORDS, SORRY NA. KELANGAN LANG NG ISTORYA. SALAMAT SA MAKAKAINTINDI ^_____^V
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Kasalanan mo lahat to my dear sister.”
=Kath’s POV=
Ang sakit ng ulo ko. Pagmulat ko, nakita ko ang dalawang kaibigan ko, sina Julia (ChiCas) at Khim (ChiCas) na nakatali pa rin sa may tapat ko at nakapiring pa ang mga mata. Ngayon ko lang napansin, ako din nakatali sa isang upuan, pero walang piring.
“Khim! Julia!” Sigaw ko at napaangat naman ang ulo nila. Hindi nga lang sila makapagsalita dahil may nakapasak sa mga bibig nila na tela.
“Oh kapatid! Gising ka na pala..” I saw Patrick with an evil smile on his face. Ano bang sinasabi nito. Sabay tanggal niya sa piring at pasak sa bibig ng mga kaibigan ko.
“KATTTHHHH!!!” Sabay na sigaw nila Julia ay Khim sakin.
“SHUT UP!! Kung ayaw niyong masaktan!!” Sigaw ni Patrick sa kanila.
“Sino ka ba ha!?” Julia.
“Hi babe!” Hinalikan pa niya sa pisngi si Khim pero umiwas naman ito dito. “Oh bakit ayaw mo na bang halikan ng mahal mo?”
“Hayop ka! Ano bang trip mo ha!? Ano bang kailangan mo samin!?” Khim.
“Sa inyo wala. Pero sa kapatid kong si Kath meron..” He smirked.
“KAPATID!?” Reaksiyon nilang dalawa.
“Ano bang pinagsasasabi mo diyan Patrick!?Anong kapatid!? Hindi kita kapatid, si Chloe lang ang kapatid ko!!” At bigla bigla na lang nag-iba ang aura niya. Kung kaninang kaya niya pang ngumiti, ngayon nabalot ng galit ang itsura niya. Lumapit siya sakin.
“ARAAAAYYYY!!!” hinila niya ang buhok ko, sinabunutan niya at iniharap ang mukha ko sa kanya.
“SI CHLOE LANG!? YUN ANG ALAM MO! WALA KA KASING PAKIALAM!! HINDI MO BA ALAM KUNG GANO KASAKIT NA MARINIG NA ISA LANG ANG KINIKILALA MONG KAPATID!!” Binitawan na niya ang buhok ko.
“Hindi kita maintindihan.. Ano bang sinasabi mo?” Laking pagtataka ko lang talaga sa mga sinasabi niya. Tumalikod siya saking at nagsimula na siyang magsalita.
“Kathryn Chandria Bernardo. Ako si Patrick Corvera. Nakababatang kapatid mo ng dalawang taon.” Humarap na ulit siya sakin at nag-smirk siya. “Hindi mo alam? Kasi wala kang pakialam. Porket si Chloe lang ang nagkaron ng koneksyon sayo dahil sa bestfriend mong si Alec, hindi mo man lang inalam pa kung may naiwan ka pa.”