This story is dedicated to my Scribbler Warriors Family: proudtobenothing ModernCupid honyclaubipleyk LeeSuerin stoutnovelist penwithlies RedFirelight YanaHerrlich ❤❤❤
PROLOGO
"PASOK NA raw po kayo, Senyorita Celestine," ani Teresita na isang maid nila sa kanilang masyon. Nagpasalamat ang dalaga rito at pumasok na sa malaking opisina ng kaniyang ama.
Malaki at malawak ang opisina ng kaniyang ama. Sikat na enhinyero ito at isang guro sa tanyag na unibersidad kaya puro mga gamit nito sa pagtuturo at sa trabaho ang makikita sa silid na iyon. May kanugnog itong mahabang pasilyo ung saan matatagpuan ang naglalakihang mga book sheves at mga libro.
Kinakabahan siya at damang-dama niya ang panginginig ng kaniyang kalamnan. Tatlong buwan na nang huli siyang pumasok sa opisinang ito at ganoon na rin katagal buhat nang huli silang mag-usap at magtalo ng kaniyang ama.
"D-dad," tawag pansin niya sa kaniyang ama na abala sa pagbabasa at pagpirma ng mga papeles na nakapaloob sa mga folder. Natigilan ito ngunit hindi manlang siya tinapunan ng tingin.
Kahit malakas ang aircon ay damang-dama ni Celestine ang pamumuo ng pawis sa kaniyang noo.
"What's brought you here, princess?" tanong nito sa malamig na tono. Halos magtayuan ang balahibo niya sa katawan dahil sa tinig nito.
Hindi natinag sa kinatatayuan si Celestine. Deretso lang kaniyang tayo habang nakatingin sa kaniyang ama.
"I'm waiting," dugtong pa ng ama niya.
Tumikhim muna siya bago nagsalita, "I... I need y-your help, d-dad." Doon tumigil ang ama niya sa ginawa. Binitawan nito ang hawak na signpen at saka humilig sa swivel chair.
"Help?" Nakangisi ito tila may plano na agad sa isip.
"Y-yes." Nilaro-laro niya ang mga daliri upang doon ituon ang kabang nadarama.
"Spill it, princess." Nakasandal ang ginoo sa silya at tinunghayan ang anak.
"M-my friend's sister is in coma. Nasagasaan siya habang pauwi siya galing school—"
"Stop the story telling, princess. Direct it to the point." Matigas at seryosong sabi ng daddy niya na ikinatinag niya.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "I need cash." Yumuko ang ulo niya dahil hindi niya kayang tagalan ang tingin ng kaniyang daddy.
"Cash? Bakit? Hindi ba sapat ang kinikita ng grupo mo sa pagsasayaw kaya ka nandito ngayon sa harap ko?" Bakas sa mukha nito ang galit dahil sa paraan ng pagtingin nito sa anak.
"Dad..."
"Magkano?" Nanlaki ang mga mata niya nang dumeretso ito ng upo at may kinuha sa drawer. Base sa itsura nito ay ang makapal na tseke nito iyon.
Magsasalita pa sana siya pero nakataas na ang kamay ng kaniyang ama at inaabot na ang papel. Sa mabilis na iglap, nasulatan na nito iyon kaagad ng presyo.
"Here the one million pesos, princess. Get it. Now."
Kumuyom ang kamay niya bago ito iniangat at akmang tatanggapin ito pero natigilan si Celestine."One million, dad? Ang laki masyado nito. Kailangan lang namin ng pampaopera at pambili ng gamot. Kami na ang bahala sa bills sa ospital."
Tumawa ito ng matunog. "At saan naman kayo kukuha ng pambayad sa ospital? Private ang ospital kung nasaan ang kapatid ng kagrupo mo, libo ang bawat oras do'n." Mapang-uyam ang tingin nito sa kaniya.
Lalo siyang natigilan. "H-how did you know that?"
"I have my ways, princess." Puno ng kompyansang sagot nito.
"Kahit na. Kahit kalahati lang nito, dad. Babayaran ko rin naman. Sasali kami ng competition sa Singapore next week at ang mapananaluhan namin do'n ang ibabayad namin sa'yo," aniya. Nalulula siya sa laki nito. Natatakot siya hindi sa dahilang baka hindi niya maibalik ang malaking halaga. Kilala niya ang ama niya. Alam niyang wala itong pakielam sa pera. Mas natatakot siya dahil baka iba ang kuhanin nitong kabayaran.
Lalong tumawa ang daddy niya. Tila nang-uuyam. "At sa tingin mo mananalo ang grupo mo?"
Tumaas ang kilay niya. "Yes, dad. We'll win." Gusto niyang sagutin ang ama at sabihin magaling ang grupo niya pero alam niya hindi iyon makatutulong ngayon.
Nakipagtitigan ang ama niya sa kaniya at kahit kabadong-kabado siya ay pilit niyang nilabanan ito.
Ilang minuto pa ang dumaan bago magsalita ang ama niya, "Are taking this check or not?"
"I know you, dad. Alam ko na may pinaplano ka… sabihin mo na agad."
Tumayo ito at inayos ang kaniyang business suit. Humakbang ito palapit sa anak at doon huminto.
"Hindi naman kita hahayaang mahirapan pa, anak. At hindi rin kita sisingilin dahil pera mo naman ang binibigay ko pero siyempre, may kapalit."
Lumakas ang kabog ang kaniyang dibdib. Parang alam na niya kung saan na naman mauuwi ang usapan nila ng kaniyang ama.
"No, dad. Alam ko na ang gusto mo mangyari. Hindi ko iiwan ang grupo ko at hindi ako pupunta ng New York para doon mag-aral."
“Mas uunahin mo pa ba ang pangarap mo kung may nanganganib sa kanila at ikaw lang ang may kakayahang tulungan siya?” Huminga nang malalim ang ginoo bago hinawakan ang dalawang balikat ng anak. “This is only way para makatulong ka sa kanila.”
Marahas niyang inalis ang dalawang kamay ng daddy niya saka tiningnan ito nang masama. “You're so selfish, dad. I hate you!”
Sa labis na galit ay mabilis niya itong tinalikuran. Kahit may pumapatak na mga luha sa kaniyang mga mata ay hindi niya alintana.
Dumeretso siya sa k'warto niya at doon umiyak nang umiyak. Sa unan niya linabas ang sama ng loob at galit sa kaniyang daddy. Nasa ganoong sitwasyon siya nang tumunog ang kaniyang cellphone.
"Hello, Jess?" aniya sa tumawag.
"Celest, where are you? Biglang humina ang puso ni Joshie. Wala si Joshua dahil naghahagilap din ng pera. Sa sobrang tense ni Tita Joy nawalan siya ng malay. Pumunta ka ngayon dito, please…"
"Ano? Ano bang sabi ng doktor?" Bumangon siya at sinulyapan ang sarili sa salamin.
"Humihina raw ang tibok ng puso ni Joshie. Kailangan na rin daw nitong maoperahan dahil sobrang damage ng kidney ito sa pagkakaaksidente." Wala sa sariling pinatay niya ang tawag.
Gusto niyang tumulong sa kaibigan.
Ang bata pa ni Joshie para magkaganoon.
‘Kailangan ko'ng kumilos. Kailangan ko'ng tumulong. Kailangang mailigtas ko si Joshie kahit na ang kapalit nito ay ang pangarap ko.’
Ilang minuto pa siyang nag-isip bago lumabas ng kwarto at bumalik sa opisina ng ama.
To be continued.