🌹KABANATA 10🌹

167 4 0
                                    

KABANATA 10

GINAGAP NI Mix ang kaniang kamay dahilan upang magising si Celestine. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at bumungad ang guwapong mukha nito. Ngumiti ito nang malapad nang makita nitong gising na siya.

“Mabuti at gising ka na, babe. Nag-alala ako sa'yo,” bulong nito sa kaniyang tainga ay bahagya siyang niyakap. Gumanti siya rito at bahagyang ngumiti.

“N-nasa'n ako, b-babe?” tanong niya kay Mix. Iginala niya ang mga mata sa paligid kung nasaan siya. Kulay puti ang dingding at amoy gamot ang paligid. Mukhang nasa ospital siya ngayon kaya hindi na siya naghintay ng sagot ng binata. “Si daddy?”

“Kakauwi lang niya. Siniguro niyang okay ka muna bago magpasyang umuwi sa bahay ninyo. Gusto lang namin makasigurong okay ka kaya dinala ka namin dito. Mamayang hapon din ay puwede ka na ring umuwi, babe.” Naupo si Mix sa tabi niya at bigla siyang hinalikan sa labi. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong nito. Hinawakan pa nito ang kanang pisngi niya dahilan upang mapapikit siya. Nakaramdam kasi siya ng kapayapaan sa tabi nito.

“I'm fine,” sagot niya na medyo paos pa ang tinig. “Si L-loreiyn?”

Hinagod ni Mix ang noo niya deretso sa ulo at buhok niya. “Huwag ka na mag-alala. Hindi na ako papayag pang galawin ka pa ulit ni Loreiyn. She's insane.”

May bumangon na kaba sa kaniyang puso.

“Is she…d-dead?” tanong niya. Medyo kinilabutan siya sa naisip niyang baka ganoon ang nangyari sa dalaga.

Mabilis na umiling ang binata saka mapait na ngumiti, "She's at recovery room. Naalis na ang balang tumama sa kaniyang balikat. Nagpapahinga na siya," anito.

“M-mabuti naman,” wika niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil sa natanggap na balita buhat dito.

“Babe, hindi ka galit sa kaniya?” tanong muli ni Mix. Tiningnan siya nito sa mga mata tila inaalam ang totoong nararamdaman niya. Umiling siya at bumuntong-hininga.

“Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng galit niya sa'kin. Akala niya inagaw ko kayo sa kaniya. Tama naman siya, e. Iniwan ko kayo sa ere tapos ngayong sikat na kayo, aagawin ko ang lugar niya sa inyo.”

“Pero hindi naman niya kami pag-aari. Pinalitan namin siya kasi traydor siya. Siya ang umalis sa grupo at tunay na nang-iwan sa amin sa ere. Sumama siya kay Red na addict. Akala niya lalo siyang sisikat, e kabilaan ang issue sa grupong 'yon.” Malumanay ang pagkakasabi nito sa kaniya. “Babe, wala kang kasalanan sa kaniya. In fact, siya pa ang may kasalanan. Siya lang. Okay? Huwag mo sisihin ang sarili mo.”

Namuo ang luha sa kaniyang mga mata, “Pero kungdi ako dumating—”

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang ilagay nito ang hintuturo sa tapat ng kaniyang labi. “Babe, alam kong babalik ka. Alam kong darating kang muli sa grupo. Alam kong mahal mo ang pagsasayaw at wala kang kasalanan. Napag-alaman namin na may sakit na sa pag-iisip si Loreiyn, three months ago. Sabi ng parents niya ay kinailangan ng anak nila ang magparehab pero tumanggi ito.”

“M-may sakit siya sa isip?”

“Oo. Kaya pala may panahon na parang may kinakausap siya pero wala naman.”

“Nakakaawa siya,” aniyang wala sa sarili. Muli, hinawakan ni Mix ang kamay niya at dinala iyon sa sariling labi. Hinalikan nito iyon habang nakapikit.

“I love you, babe. Alam kong naging mahirap din sa'yo ang lumayo sa amin. Sa akin. Pero aaminin kong masayang-masaya ako dahil nandito ka na. Ulit.”

Niyakap niya ang binata. Walang kasing saya ang kaniyang nadarama sa mga oras na iyon. Mahal na mahal niya ang lahat ng nanditong naiwan niya. Ang ama niya, ang grupo at lalo na si Mix.

WAY BACK INTO LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon