🌹KABANATA 3🌹

158 4 0
                                    

KABANATA 3

"SORRY KUNG medyo natagalan ako." Hingi niya ng pasensya sa binata.

"Nice dress, Tine," puri nito sa kaniya dahilan upang makaramdam siya ng hiya.

"Sira. Let's go. Namiss ko ang ingay ng bar." Ilang minuto ang tinakbo ng sasakyan ni Joshua bago kami nakarating sa bar na pag-aari raw ni Bojo. Malaki rin ito at kung titingnan mo, mukhang bigatin din ang mga taong nagpupunta rito.

Pumasok sila sa loob at tama ang hinala niya. Base sa itsura ng mga taong nasa loob ay pawang mga galing sa mayayaman na angkan ang nandito.

"Sa VVIP room tayo. Nandoon ang iba nating mga kaibigan," ani Joshua na kinangiti niya.

Maingay ang VVIP room na pinasok nila. Sina Jessie at Precious ang may hawak ng mikropono habang nagsasayaw naman sina Patrick, Bojo, Gabriel at Jio sa gitna. Halatang mga tipsy na. Si Leanne naman ay abala sa songbook na hawak.

May dalawang tao pa siyang namataan sa isang gilid pero hindi na niya binigyan pa ng pansin.

"Guys, guys! Look who's with me." Lahat ng pares ng mga mata nila ay napunta sa kanila ni Joshua —partikular na sa kaniya.

"H-hi!" bati niya sa mga ito. Bakas sa mga mukha nito ang gulat at biglang pagbabago ng aura.
Tila nawala sila sa mood.

"Hello! You're Engr. Celestine Del Buena, right?" Lumingon siya sa babaeng nasa gilid at nakangiti. Sweet naman ang dating nito sa iba pero para sa kaniya, isa lamang itong pakikipagplastikan.

"Yes." Deretsong sagot niya.

"I am Loreiyn Salvador. Ka-member nila ko. Nice to finally meet you, Engr. Del Buena." Linahad nito ang kanang kamay at kahit labag sa loob ni Celestine ay kaniya itong tinanggap.

"Call me Celestine. Masyadong pormal kapag kasama ang title ko." Bahagya siyang ngumiti pero hindi sapat upang makita nitong masaya siya sa pakikipagkilala rito.

"I see. Okay, Celestine. Come, join us." Hinila niya ako sa braso at pinaupo. "Joshua, asikasuhin mo 'tong si Celestine."

"Yes, madam."

'Madam? Ang corny.'

"Kumakanta ka ba? Pili ka, o!" Inabutan siya ng songbook ni Loreiyn. Kahit ayaw niya ay kinuha na rin ito. Hindi naman nakatakas sa gilid ng mga mata niya ang masamang tingin ni Mix sa kaniya at kay Joshua. Tinungga pa nito nang straight ang brandy na nasa baso.

"Mixy, alalay lang. Magmamaneho ka pa pauwi," paalala ni Loreiyn gamit ang malambing na tinig.
Kumunot ang noo ni Celestine at napairap sa ere pero natigilan siya nang si Leanne ang maaabutan ng mga mata. Nakatitig ito sa kaniya. Alanganin siyang ngumiti ngunit umiling lang ito.

Nagpatuloy ang iba pa nilang kasamahan sa ginagawa habang si Celestine ay nakikisabay lang sa kanta, nakikitawa kahit pilit at nagpapanggap na okay lang.

"So, Celestine... Kumusta ang New York?" tanong ni Gabriel. Ito ang unang beses na kakausapin siya nito matapos ang limang taon.

"New York pa rin naman, Gab." Tumawa siya pero sila ay tila hindi nasiyahan sa sinagot niya. "A-ahm, ayos naman. Mahirap at nakaka-homesick, madalas."

"Bakit hindi ka bumalik?" si Jio naman this time.

"Naging busy ako sa pag-aaral. Aaminin ko na nahirapan talaga akong i-adapt ang kultura roon at inabot din ako ng ilang buwan bago nasanay."

"Atleast ngayon, engineer ka na, 'di ba?"

"Kaya nga," segunda niya kay Joshua.

"E, bakit bigla mo kaming iniwan sa ere?"

WAY BACK INTO LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon