🌹KABANATA 4🌹

174 3 0
                                    

KABANATA 4

ALAS OTSO palang nang umaga ay nakagayak na si Celestine. Nag-jogging kasi siya kaninang ala sinco sa subdivision nila at gumayak pagkaraan. Nasa harap sila ng hapag-kainan ng kaniyang ama nang magsalita ito.

"Kinausap ko ang Ninang Consuelo mo tungkol sa building na ipagagawa niya next month. I suggested you to her na siyang maghahawak ng construction para rito." Gaya pa rin ng dati, ang ama niya ang nakikipag-transaction o usap sa mga kliyente niya mula nang makatapos siya at magkalisensya.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain nang magsalita ito ulit. "Kumusta ang bar hopping mo last night?"

Sumandal at ngumuya siya na para bang hindi importanteng tao ang kumakausap sa kaniya. Uminom siya ang orange juice bago sumagot.
"Nagkita kami ng mga UDT members," aniya.

"Really? Anong napag-usapan ninyo?" Base sa tanong ng ama, tila interesado ito kung ano ang nangyari.

"Nothing's important and it's none of your business, dad."

Ngumiti ang ama niya pero kitang-kita niyang iba ang pinapakita ng mga mata nito. Bahagyang kumirot ang puso niya dahil doon. Tumayo siya ay nagpaalam na rito.

"I have to go."

"Okay. Don't forget your party on Saturday. Invite your friends, princess."

"I don't have one, dad."

'And it's because of you.'

Hindi na siya nagpasundo kay Joshua dahil dala niya ang sariling sasakyan. Dumaan muna siya sa bake shop upang bumili ng pasalubong kina Joshie at sa ina ng mga ito.

Pagkarating niya sa labas ng bahay nila Joshua ay tinext niya ito agad. Dala ang nabiling pagkain ay nakangiti siyang bumaba ng kotse at sakto namang palabas na rin ng bahay si Joshua. Simpleng jersy terno ang suot nito at naka-rubber shoes pa.

"Mukhang may laro ka, a?"

"Yeah, actually sila Bojo, Patrick, Jio, Gab at Mix ang kasama ko sa basketball gym."

"P'wede ba kayong maglaro? I mean, ang mga fans ninyo ay paniguradong maghehesterikal kapag nakita—"

"Don't worry, ayos lang naman 'yon. May mga bodyguard kami at puno ng securities ang buong gym." Bakas sa boses nito ang pagyayabang.

"I see. Where's Joshie?"

"Nasa loob, tara pasok ka."

Nang makapasok silang dalawa ay halong mapanganga si Celestine sa ganda ng disensyo ng buong sala. May malaking chandelier ito na may mga maliliit na kristal bilang palawit. Ang mga bumbilya ay nakukulungan ng mga wires na may palamuting dahon at mga bulaklak.

Ang sofa na kulay ginto ay terno sa mga muwebles.
May mga kabayo at elepanteng pegurin ang naka-display sa ibabaw ng lamesitang parisukat at mayroon din sa mga aparador na sadyang linagay upang gawing dekorasyon.

Naalala niya ang ganiting aura nung siya ay minsang magpunta sa Thailand. Ganito ang ambiance at nakakarelax.

"Ate Celest!" Napukaw ang kaniyang atensyon nang tawagin siya ni Joshie. Ang floral dress na soot nito ay bagay na bagay. Nakalugay din ang kulot na buhok nito at tanging hairclip lang ang nandoon.

"Joshie," aniya sabay yakap nang mahigpit. "Kumusta ka na? Ang ganda-ganda mo lalo!"  Makikitaan sa itsura ni Celestine ang labis na paghanga sa dalaga.

"Naku, ikaw nga ang mas gumanda. Ang kinis mo pa, ate." Muli siyang yinakap nito saka kumapit sa braso. "Hindi ako nakapagpasalamat sa'yo noon dahil hindi na kita naabutan sa inyo. Ate, thank you sa tulong mo. Kung hindi dahil sa'yo, walang magdedesign ng bahay ni mama."

WAY BACK INTO LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon