🌹EPILOGO🌹

233 8 0
                                    

EPILOGO

NANLALAMIG ang mga kamay ni Celestine, nanginginig at tipong mabibitawan ang ano ma'ng bagay na hawakan niya.

"Ayos ka lang?" tanong ni Leanne sa kaniya. Alanganin siyang tumango sa kaibigan. "Ngumiti ka naman ng maayos. 'Yung totoong ngiti dahil kasal mo 'to. Ka-sal!" singhal nito saka ngumiti nang nakakaloko. Imbis na matawa, lalo siyang nakaramdam ng tensyon.

"Kinakabahan kasi ako," bulong niya. Huminga siya nang malalim dahil parang nagsisikip iyon.

Ngumiti nang malapad si Leanne sa kaniya bago naglagay ng red lipstick sa sarili nitong labi. Siya naman ay nasa harap ng malaking salamin at katatapos lang niya maayusan.

"Wow! Ang ganda mo talaga, Celest. At ang galing ko talagang make-up. Biruin mo, nagawa kitang maging Diyosa!" ani Leanne sabay tawa nang bongga. Napapailing na lang siya habang nakangiti.

"Ang sabihin mo, natural na talagang maganda ang kaibigan natin!" Bakas sa mukha ni Jessie ang labis na tuwa dahil namumuo ang mga luha nito sa mga mata.

Lumipad ang tingin ni Celestine sa kama kung saan nandoon ang wedding gown niya at iba pang gagamitin para sa kasal. Lihim siyang napapangiti kapag naaalala niya ang mga pinagdaanan nila ni Mix.
Makalipas ang maraming taon ng pagsasakripisyo niya, heto siya ngayon at ikakasal na sa lalaking kaniyang pinakamamahal.

Alas kuwatro ng hapon ang oras ng kasal nila Celestine at ni Mix at beach wedding ang napili nilang dalawa. Nasa isang sikat na beach resort sila upang dito idaos ang kasal pati ang reception.

Nang magkapagbihis na siya ay sakto namang pumasok ang daddy niya sa silid na iyon. Wala pa man din ay parang ibig na nitong maiyak. Guwapong-guwapo ito sa soot na tuxedo na kulay itim.

"My princess," tawag nito sa kaniya.

Humarap siya rito pero hindi masyado. Inaayos kasi ng isang wedding planner ng kaniyang magarbo at eleganteng gown. Tube style ito kaya medyo tanaw ang buto sa ibabaw ng kaniyang dibdib ngunit hindi naman bastusin. Kulay puti ito na sayad sa lupa. May mga nakapalamuting mamahaling bato ang nakadisenyo roon dahilan upang magdagdag ningning sa tuwing nasisinagan ng ilaw o liwanag.

"D-dad..." aniya. Gusto niyang batiin ito pero tila may batong nakabara sa kaniyang lalamunan kaya hindi niya magawang magsalita pa.

Hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang pamumula ng mga mata ng kaniyang ama pati ang ilong. Hinawakan nito ang magkabilaan niyang kamay at bahagyang pinisil.

"You're so beautiful, my princess." Nabasag ang boses nito kaya pati siya ay nahahawa na. Unti-unting umiinit ang sulok ng kaniyang mga mata at ganoon na lang ang pagpipigil niyang huwag maiyak. Masisira pa ang make-up niya at baka humulas.

"T-thank you, dad." Inalis niya ang bara sa lalamunan upang mabanggit lamang iyon. Niyakap siya ng ama at dahan-dahang hinagod ang kaniyang likod.

"I'm so happy that finally...you found your happiness in him. Alam ko naging masama ako'ng ama at naging makasarili ako. Anak, paulit-ulit ako'ng hihingi ng kapatawaran sa'yo kung maari-"

"Dad, napatawad na kita. Ako nga ang dapat humingi ng sorry kasi naging pasaway at matigas ang puso ko sa inyo. Hindi ko nakita na para din sa akin ang ginawa ninyo."

"Salamat, anak. Alam ko'ng masayang-masaya ka ngayon. Kinakabahan ka ba?" tanong nito at bahagya nang lumayo.

"Medyo, dad. First time ko'ng ikasal, e."

"Silly, girl. Sige na. Hihintayin na lamang kita sa baba." Hinalikan siya nito sa noo at saka lumabas ng kuwarto. Lihim siyang nagpasalamat dahil sa wakas, ayos na sila ng kaniyang ama.

KULAY PINK ang naisip na motiff ni Celestine at Mix kaya halos touch of white and pink ang makikita sa kabuuan ng lugar. Ang mga silya ay nilagyan ng malaking tela na kulay rosas saka binuhol upang magmukhang ribbon. May poste na gawa sa kahoy na dinesenyuhan ng kulay pink din na tela at may mga bulaklak ng rosas. As usuall, pink and white roses. Ang buhangin naman na magsisilbing aisle ay pinuno ng mga petals hanggang magmukha itong carpet. Ang pinakamagsisilbing altar naman ay may apat na poste ng kahoy at may lace rin na pink.

Eksaktong alas kuwatro nang kumatok ang wedding coordinator. "Ma'am Celestine, tayo na po ro'n," aya ng wedding organizer sa kaniya. Inalalayan siya nito upang madala ang malaking gown na suot. Pagkalabas ng kuwarto ay sinalubong agad siya ni Leanne. Inabot sa kaniyang isang kumpol ng mga puting rosas at pumwesto sa harap. Si Jessie naman ang nasa harapan niya.

Maraming mga bisiti ang dumalo. May mga artista, kapwa engineer ng mag-amang del Buena at pati mga malalapit na kaibigan ng dalawa. Hindi rin nawala ang mga makukulit na press at media.

Pumwesto si Celestine sa bandang dulo ng carpet na gawa sa petals ng pink roses na natatabingan ng kurtinang kulay rosas din. May mga abay na nasa unahan niya na siyang myembro ng Breaking Steps at mga kamag-anakan ng ikakasal.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula ang malamyos na kanta nang pangkasal. Hudyat ito ng paglalakad ng mga abay. Naramdaman ni Celestine na may tumabi sa kaniya at napangiti siya nang malapad nang makita ang ama. Abala ito sa pagpupunas ng luha bago kinuha ang kaniyang kamay at ikinapit sa sariling braso.

"Nanlalamig ka, anak."

"I'm nervous, d-dad," amin niya rito. Sobrang lakas kasi ng kabog ng dibdib niya at kahit may soot siyang wedding gloves at pinagpapawisan ang mga kamay niya at nanlalamig.

"Don't be. Just enjoy the moment, princess." Tinapik-tapik nito ang kaniyang kamay saka sila marahang naglakad.

Lahat ng atensyon ay nasa kanilang mag-ama. Lahat ay nakangiti. Mayroon ding mga abala sa pagpupunas ng mga sariling luha. May mga kumukuha ng litrato at video.

Nang makarating sa unahan si Celestine at ang kaniyang ama ay kaagad nagsalubong ang kanilang mga mata ni Mix. Hindi man siya sigurado, batid niyang kagaya niya ay kinakabahan din ito.

"Sir," anito sa ama niya. Tumikhim lang ito at nakipagkamay sa binaya.

"Please take care of my princess," bilin nito kay Mix.

"Yes, sir."

"Call me dad, son." Natigilan si Mix pero kaagad di'ng nakabawi.

"T-thanks, d-dad." Mayamaya pa inilahad nito ang isang kamay kay Celestine at tinanggap naman niya iyon. Naglakad sila papunta sa harap ng altar at hindi nagtagal, nagsimula na ang seremonyas.

"For as much as Mix Caleb and Celestine have consented together in holy matrimony and have witnessed the same before God and those present, and have pledged their faithfulness, each to the other, and have declared their love by giving and receiving rings and by joining hands, I now, by the authority committed unto me as a minister and a priest, declare that Mix Caleb and Celestine are husband and wife according to the ordinance of God, in the name of the Father, and of the Son, and of the holy spirit. Those whom God has joined together, let no one put asunder. May the peace and the unconditional love of God surround you and remain with you now and forevermore...Amen."

Lahat ay nag-sign of the cross bilang pagtatapos ng seremonyas.

"You may seal you vows with a kiss," wika ng pari sa dalawa.

Dahan-dahang inalis ni Mix ang veil na nakaharang sa mukha ni Celestine. Ngumiti ito ng ubod ng tamis sa kaniya bago hawakan ang baba. "I love you, babe." Maluha-luha siyang tumitig sa asawa. May kung anong mga malilikot na tila lumilipad sa kaniyang tiyan lalo na nang sumilay ang pilyong ngiti nito.

"I love you, too, babe."

Isang halik ang ginawad ni Mix sa kaniya. Puno ng pagmamahal at paggalang. Narinig nila ang palakpakan ng lahat ng saksi sa kanilang pag-iisang dibdib kaya bumitaw na si Celestine.

Napakamot na lang sa ulo ang binatang si Mix bago ngumiti sa lahat. Sa labis na tuwa ay niyakap na lang niya nang mahigpit ang lalaking kaniyang pinakamamahal.

Na kahit iniwan niya noon ito sa ere, tinanggap pa rin siya nang makabalik at ngayon, hindi lang bilang kagrupo ng Breaking Steps kung 'di bilang asawa na rin.

Wakas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WAY BACK INTO LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon