KABANATA 6
HINDI SIYA mapakali sa kinaupuan dahil parang nasa hot seat na siya, "B-bakit ko pa sasa—"
"Kung ayaw mo ay ayos lang." Putol nito sa sasabihin niya. "Banyo lang ako." Tumayo ito at humakbang hanggang sa makalagpas ito sa tapat niya. Nakahinga siya nang maluwag nang mawala ito sa harap niya.
'Ano bang proble—'
Natuon ang kaniyang pansin sa isang panyo na nasa sahig. Puti ito na may disensyong mga dahon. "Kanino 'to? Marurumihan, o!" agaw pansin niya sa mga kasama.
"Kay Mix 'yan. Isunod mo na lang. Alam mo naman 'yon, ayaw niyang wala siyang panyo na dala," nakangising turan ni Gab.
Liningon niya ang mga kasama. Ngumiti lang si Leanne sa kaniya. Si Joshua naman ay nakatitig sa panyong hawak niya ngayon. "O-okay, isusunod ko lang."
Pumasok ako at dali-daling hinanap si Mix hanggang sa hallway patungong banyo pero bukas ito at patay ang ilaw. Walang tao.
'Nasaan ba 'yon?'
Sinubukan niyang tingnan sa garden pero wala ito roon. Humakbang pa siya hanggang sa makarating siya sa labas ng pinto. Baka nasa labas ito at nagpapahangin.
Lumabas siya hanggang sa gate at tanging mga sasakyan lang ng mga kaibigan niya ang nandoon.
Babalik na sana siya sa loob hanggang sa may narinig siyang nag-uusap sa gawing kanan ng bakuran. Madilim ang parteng ito pero pinilit niyang aninagin kung sino iyon."Nakita ko kung pa'no mo tingnan si Celestine, Mix. Ano? Mahal mo pa ba siya?" galit na tanong ng boses babae at alam niyang si Loreiyn iyon.
"Kung ano-anong nakikita ninyo!"
"Hindi! Nakita ko at alam kong pati ang iba nating mga kaibigan ay ganoon din. Ano? Aminin mo na! May nararamda—"
"Wala! Wala na. Galit at poot na lang ang nararamdaman ko sa kaniya kaya tama na! Ngayon, tumahimik ka na. Bakit ba bumalik ka pa? Umalis ka na, 'di ba?" mahinang sigaw ni Mix. Ang mga salita nito ay tila kutsilyo na sumasaksak sa kaniyang puso. Hindi siya makagalaw sa pwesto niya. Gusto niyang tumalikod at umalis doon pero ayaw ng mga paa niya.
"Hindi ko ba p'wedeng balikan ang boyfriend ko?" May halong panglalandi ang boses ni Loreiyn. Kahit madilim ay kitang-kita niya kung paano nito hinaplos ang braso ni Mix. "I miss you," mas mahinang usal nito. Hindi kumibo si Mix at nanatili nakatingin kay Loreiyn.
Ilang sandali pa, hindi na nakayanan ni Celestine ang ginawa ni Loreiyn nang marahas nitong hinalikan ang lalaki. Namuo agad ang mga luha sa kaniyang mga mata. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil nanigas ang kaniyang buong katawan. Bagama't hindi gumanti si Mix at halata rito na nagpipigil lang.
'Fuck, Celestine! Lakad na. Alis!'
Iyan ang sigaw ng utak niya. Umatras siya at pumihit patalikod sa mga ito nang hindi sinasadyang nasagi niya ang isang paso. Nahulog ito sa sementadong daanan galing sa bench at nabasag. Gumawa ito ng ingay kaya natigilan siya pati na rin ang dalawa.
"C-celestine?" Boses iyon ni Mix pero nanatiling nasa basag na paso ang kaniyang mga mata. Umupo siya sa tabi nito at pinagdadampot ang mga nabasag. Unti-unting bumuhos ang mga luha niya lalo na nang marahang maupo sa harap niya si Mix. Hinawakan nito ang kamay niya na puro lupa.
"A-ano bang g-ginagawa mo?" Hindi niya ito pinansin at patuloy lang sa pagdampot. "Celestine!"
Marahas niyang inagaw ang kamay niya rito at masamang tiningnan ang binata. Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa luha pero pinipigilan niya pa rin. Napasinghap siya nang makitang namumula ang mga ni Mix.Hindi siya makapagsalita dahil tila may nakabara sa kaniyang lalamunan. Naumid na rin ang kaniyang dila dahil hindi siya makaapuhap ng salita.
"Hindi ko akalain na may ganiyan ka palang ugali, Celestine." Lumingon siya kay Loreiyn na nakahalukipkip. Nandoon pa rin ito sa pwesto nito kanina.