Chapter 3

726 9 2
                                    

CHAPTER 3

Cha's POV

I know I'm too mean kay Diana pero iba kase ako mainis eh. Sumobra na kasi yung attitude na binigay niya sakin, hindi na tama.

Wala naman talaga 'kong photoshoot kahapon, ginawa ko lang na excuse yun. Anyway, Fan ko pala siya? Okay, thanks pero ayoko sakanya for Ian.

Hay move on na nga tayo sa mga nangyari kahapon sa mall.

***

Everdeen Academy

I'm on my way to my class at nakasalubong ko 'tong si Jane, "Hi Cha!" sikat na model din siya pero mas sikat ako syempre, wahahaha!

For your information, Everdeen Academy is the school of the beautiful/handsome ones at karamihan dito ay mga sikat na model, artista at kung sinu-sino pa basta ma-impluwensiya.

"Hi" tipid kong bati sakanya at ngumiti siya. Hindi kami friends at lalo ng hindi kami related sa isa't isa. Hindi na 'ko nag-effort pang kausapin siya dahil wala akong oras para sa mga plastic. Ayun, napansin niya yatang wala akong pake sakanya dahil umalis na rin siya sa harapan ko.

At isa yun sa mga problema kaya hindi ako masyado nakikipag-kaibigan sa mga tao dito, mapili talaga ko sa mga kina-kaibigan ko.

Ayoko kase sa mga plastik at yung kina-kaibigan lang ako kase sikat ako at mayaman. Yung kakaibiganin ako dahil mapapakinabangan nila ako.

Pagpasok ko sa class ko edi syempre nagaral, nakinig ako alangan namang lumandi ako diba? hahahaha! just kidding!

Lumipas ang tatlong napaka-boring na subjects at recess na, finally! Hindi 'ko kasama sa class si Ian kase iba section niya, obvious.

By the way, may group of friends ako kahit papaano, sina Rain, Matt, Ian and Ivan.

YES! 4 boys and 1 girl ang meron ang barkadahan naming, barkada.

Nandito na 'ko sa canteen, hinihintay yung apat dahil nga diba 'di po kami magkaka-klase, obvious.

Ako lang kasi yung nahiwalay sa kanilang lima eh, halo naman ang boys at girls pero ang malas lang talaga ng school year na 'to.

5 years na kaming barkada at sa apat na yan, si Ian lang talaga ang since birth kong friend pero bestfriends narin naman ang turing ko sa apat na y--

"hey, babe." sabay-sabay na sabi nila except Matt.

Hay. sa wakas! Ganyan na talaga sila, sanay na ako. Hilig nilang ituring ako na akala mo girlfriend nila akong lahat pero sa mga tawagan lang. Marami ngang naiinggit sakin dahil sa mga pinaggagawa ng mga 'to eh!

"Babe niyo mukha niyo! Ang tagal niyo, kanina pa 'ko naghihintay dito. Gutom na 'ko." arte ko sakanila sabay nguso effect.

"Sus, matampuhin ka naman masyado, baby girl." sabay yakap sakin ni Rain, naglalambing.

"Che! Lumayo ka nga sakin, tigilan mo yang pag yakap yakap mo sakin ha pa-sumbong kita kay Matt para mag selos si Katri. Makikita mo!" yes, may girlfriend si Rain pero alam naman nun na close talaga kami ni Rain.

"Hindi yan!" sabi niya pero sabay tayo at layo rin niya, takot din eh, hahahaha! Tinawanan ko na lang siya sa inasal niya.

Pagkatapos nun, nagsi-order na sila ng pagkain at nilibre nila ako kasi nga pinaghintay nila ako hihihi

Nag kwentuhan lang kami ng kung anu-ano at nung natapos na kaming lahat, hinatid nila akong apat sa room ko. Dagdag pambawi raw nila sakin.

Nakakatuwa talaga sila, makikita mong special talaga ako para sa kanilang apat. Hindi special in a romantic way but in a way na talaga tini-treasure talaga nila ang pagkakaibigan namin.

Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon