Chapter 8

379 5 0
                                    

CHAPTER 8

Sa tingin ko ay halatang 'di maipinta ang pagmumukha ko sa pagkabigla na umalis na lang siya basta na alam naman niyang lalapit ako. Tsk!

Napansin ko si Ian na papalapit sakin "ang seloso pa rin ni Lance." Komento ni Ian. Ay oo nga 'no? Bakit 'di ko agad naisip yun?? Iba kasi talaga kami ni Ian mag kulitan kahit dati ganun yun pero hindi na naman kami ngayon ah?

"Wala naman siyang karapatan magselos.." mahina kong sabi kasabay nang pagtalikod ko kay Ian "..wala ng kami." Dugtong ko.

Nagsimula na akong mag lakad palayo pero napahinto ako sa sinabi ni Ian.

"Wala naman yan sa karapatan kundi nasa nararamdaman" huminto siya at nadama ko ang paghinga niya nang malalim "Kung ako nga nagseselos din sainyong dalawa pero hinahayaan ko lang kahit masakit na"

At dahil dun ay napaharap ako sa kanya ng may pagkabigla pero nakita ko na lang si Ian na naglalakad papalayo.

Hindi ko maintindihan. Bakit ang gulo? Sobrang gulo!

May iba akong nararamdaman sa loob ko nung marinig ko yun, hindi ko mapaliwanag.

Tumungo na lang ako sa kwarto ko at nag pahinga hanggang sa ito nagtagpuan ko na lang ang sarili kong tamad na tamad bumangon sa kama pero himal at nakaabot pa ako sa veranda ng bahay.

Simula kasi nang umalis bigla si Lance kahapon at nag bitaw ng mga ganung salita si Ian hindi na ulit kami nagpansinan. Ang...awkward?

Buntong hininga here. Buntong hininga there. Hay!

Day 3 namin dito sa Ilocos at wala pang plano for this day dahil lahat tinatamad o dahil napansin na rin nung tatlo na hindi kami okay nina Lance at Ian? Hay!

Kinuha ko yung phone ko at earphones at nag-play ng music. Shuffle on.

Ay bastos!

Bakit sa dami ng kanta ito pa?

"...Mahal ko o mahal ako"

Tinatamad na akong galawin pa ang phone ko kaya hinayaan ko nalang at mariin kong inintindi ang mensahe ng kanta.

Oo, mahal ko parin si Lance.

Bestfriend ang turing ko kay Ian at ramdam ko rin naman na ganun din siya sakin pero nung narinig ko yun kahapon mula sakanya? Nagulo. Nagkaron ng doubts sa pinapaniwalaan ko.

Sakit sa ulo!

"Cha.."

Nakakainis!

"Cha!"

Manhid na ba ang pwedeng maitawag sakin?

"Galit ka ba?"

Di ko na rin maintindihan ang sarili ko.

"Huy! Cha!"

"Butiki!" Napatalon ako sa kinakaupuan ko. Bigla ba naman tusukin ang tagiliran ko! Lakas kaya ng kiliti ko! Bwisit na Ian 'to!

Teka, Ian??

"Ian? Ian!!" Napatalon ako sakanya at niyakap siya. Akala mo naman matagal 'di nagkita pero kasi naman kahapon laki ng problema ko kasi nga may awkwardness between us.

"Ch-Cha.. D-di ak-o mak-ahing-a!" Agad naman ako napabitaw dahil mukha ngang 'di na siya makahinga.

"Ay sorry." Pangiti-ngiti ko pang sabi.

"Kanina pa kita tinatawag di mo man lang ako nililingon." Umarte siya na parang nagtatampo. Ang cuteee!

"Hallur!" Pinakita ko sakanya yung earphones ko na nakakabit sa phone ko at inirapan siya.

Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon