Chapter 13

295 5 0
                                    

CHAPTER 13

Ian's POV

I'm back!!!

Biglaan ang alis ko ng Pinas nang dahil sa business namin sa ibang bansa. After ng Ilocos trip namin, biglaan akong pinatawag ni dad.

At hanggang ngayon hindi pa ulit kami nagkakausap ni Cha. Okay na kaya sila ni Lance? Wala kasi kaming communication almost 1 week eh, matagal na rin yun kahit paano.

Kararating ko lang dito sa bahay nang makatanggap ako ng text.

"Par! Nasa Pinas ka ba? Kita tayo! Textback!" si Wade

He's a good friend of mine. Ex-bestfriend siya ni Lance. Nakilala ko siya sa ibang bansa, business partner ng dad ko ang dad niya. Childhood friend din.

"Oo, kararating ko lang. Sige ba! Saan?" reply ko.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit hindi na sila magkaibigan ni Lance pero sa tingin ko konektado 'to kay Sofia. Yes! Kilala ko si Sofia dahil minsan na 'tong nabanggit ni Wade sakin nung nagkainuman kami, girlfriend niya 'to at nabanggit din niyang may pagdududa siya kay Lance sa mga kinikilos nito kapag naka-paligid si Sofia.

"Bar? Haha punta nalang ako sainyo?" tanong niya.

"Sige bro!" pag payag ko.

Nung marinig ko ang doorbell ay agad akong lumapit dito para buksan.

"Long time no see Ian!" Bungad na bati ni Wade sakin.

Tinapik ko naman siya sa balikat "oo nga eh! Kamusta?" Tanong ko habang papasok kami ng bahay.

"Ayos naman. Nagkita na ulit kami ni Lance. Nagkita na rin kami ni Sofia." Halatang malungkot siya habang sinasabi yun.

"Anong nangyari?" Umiling siya sa tanong ko.

"Wala naman. Nagka-sagutan lang kami ni Lance sa harap pa ng girlfriend niya." Ha?

"Girlfriend ni Lance? May girlfriend si Lance?!" Halata sa boses ko na curious. Kinakabahan ako. Sana hindi tama ang kutob ko..

"Oo, actually nakita ko ngang umiiyak yung girlfriend niya kanina eh. Dalawang beses pa! Nakita daw niya kasi si Lance na nakikipaghalikan kay Sofia." Paliwanag niya. Dama ko naman ang pagkunot ng nook o sa mga sinabi niya.

"Sino yung girlfriend niya?" Halos pasigaw kong tanong na para bang kulang nalang ay hatakin ko ang damit niya. Pakiramdam ko ay para bang galit ako na naiinis.

"S-si C-Cha Salvador" pa-utal na sambit ni Wade. Napatayo ako sa narinig ko.

"Shit! Nawala lang ako ng isang linggo ang dami ng nangyari!" usal ko.

Lumabas ako ng bahay at dumiretso ng garden, iniwan ko na si Wade sa sala.

Nag-init ulo ko sa mga narinig ko. Hindi dahil sila na eh! Kundi umiyak na naman si Cha. Expected ko na naman na magiging sila kasi halata naman sa mga mata ni Cha na mahal na mahal pa rin niya si Lance. Umeksena lang ako dahil umasa akong maaaring magbago yun. Ayoko lang talaga na umiiyak siya at nasasaktan.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa, hinanap ko ang contact ni Cha at denial.

"I-Ian!" Naririnig ko ang paghikbi niya sa kabilang linya. Mas nasasaktan ako dahil nasasaktan ang taong mahal ko sa taong mahal niya.

Pumikit ako para kahit papaano mabawasan ang inis at galit ko kay Lance. Bakit niya ba ginaganito si Cha?! Hindi pa ba sapat yung pananakit niya dati?

Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon