Chapter 9

346 4 0
                                    

CHAPTER 9

"Manager Jee! Sige na pleaseeee!" Halos maglumpasay na 'ko sa sahig para lang pagbigyan ako sa hiling ko.

"Pleaseeee! Promise! Hindi na ako malelate! Hindi na po ako magiging pasaway!" Paglalambing ko kahit mukhang hindi naman effective.

Ano yung hiling ko? Wag nang ituloy yung susunod naming photoshoot namin ni Lance.

Ang awkward pa rin kasi at naiinis pa rin ako sa mga kalokohan niya tsk

Mabuti nga hindi pa siya nagpaparamdam ulit eh! Kaya kahit paano nakakapagisip ako nang maayos at nang tama.

"Hindi talaga pwede Chand! Naka-kontrata na yan eh!" paliwanag niya. Buntong hininga nalang ang nagawa ko, sayang effort ko magmakaawa.

"Bakit ba ayaw mo nang ituloy?" tanong niya.

Napayuko ako "ang..ang awkward lang kasi!"

"Ang babaw mo Chand." Napatingin ako kay manager at pinandilatan ng mata.

"Kung para sayo mababaw lang lahat ng nangyari samin, para sayo yun! Hindi mo naman alam lahat ng pinagdaanan namin kaya wag kang magsalita na parang alam mo lahat ng sakit at hirap na dinanas ko!!" Napalakas kong boses na paliwanag sakanya. Nagwalk-out ako.

Nakakapuno. Nakakainis yung mga ganung tao. Akala nila alam nila lahat ng nangyayari sa bawat buhay ng tao. Mga judgemental! Mga walang magawa sa buhay! Bwiset!

Dumiretso ako dito sa park, magpapahangin lang.
Ang lamig ng hangin dito eh, nakakalamig din ng dugong kumukulo sa inis. Isama mo pa ang maganda at malinis na kapaligiran.

Akala niyo ba porket mayaman, hindi na marunong magpahalaga sa paligid? Umaasa lang sa mga tagalinis? Di alam yung mga lugar na tulad nito? Di ganon yun!

Mas nakakatuwa pa nga dito kaysa sa bahay o sa trabaho ko eh.

Ang pangit lang, lagi akong naka-disguise. Hindi ako makaalis ng ako lang mismo. Sarili ko lang mismo ang dala ko.

Pwede ko namang ihinto ang trabaho ko, pwede naman talaga pero hindi ko magawa.

Hindi ako pwedeng maging isang normal lang na tao na walang responsibilities, walang trabaho, walang pinagmamalaki, walang tinataguan, walang problema na katulad ng pinoproblema ko.

Kailangan mapantayan ko ang mga pinaghirapan ng parents ko. Kailangan maging tanyag parin ang surname na Salvador.

Ang hirap maging ako.

Palakad-lakad lang ako dito sa park at talagang sinasalubong ko ang malamig na hangin na puno na rin ng polusyon.

Nakapikit ako habang naglalakad kahit mukha na akong tanga, wala akong paki.

"Aray!" Napadilat ako nang makaramdam ako ng katawan na mukhang natumba dahil nabangga ko.

"Sorry! Hindi ko sinasadya!." lumuhod ako at akmang tutulungan na sana siya.

Hahawakan ko na sana siya para tulungan ng bigla niyang tinabig ang kamay ko at tsaka yumuko. "Hindi sinasadya? Bakit ba ganun? Palagi na lang ginagawang excuse ng mga tao ang 'hindi sinasadya', 'hindi namalayan', 'hindi nakita' kahit na talaga namang alam nilang may mangyayaring hindi maganda! Bakit ang tanga ng mga tao? Bakit ganun??" Maya-maya may nakita na akong tumutulong luha galing sakanya. Umiiyak na siya. Pakiramdam ko, may matindi siyang pinagdadaanan.

"M-may masakit ba sayo?" Tumango siya. Tinuro niya yung dibdib niya, bandang puso. Brokenhearted?

"Baka matulungan kita" alok ko. Umiling siya.

Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon