Chapter 15

123 1 0
                                    

CHAPTER 15

Chand's POV

Ilang araw at linggo narin ang lumipas nung huli kaming nagkausap ni Lance.

Minsan niya na akong sinubukang kausapin at lapitan sa school pero hindi ko parin talaga siya pinapansin.

Ilang araw at linggo na rin ang lumipas na nagiisa lang ako. Sa school, sa mall, sa kung saan pa man. Ayoko rin muna kasing makausap si Ian. Nagi-guilty talaga ako. Nadamay na rin ang barkada dito. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Iniiwas ko na ang sarili ko sa mga taong mahalaga sakin. Kahit sa parents ko.

Naguguluhan ako. Nasasaktan pa rin.

Naguguluhan dahil hindi ko pa rin alam kung seryoso na ba talaga si Lance sakin o ano ba talaga ang mga nangyayari, lalo na nung magsimulang dumating si Sofia. Nasasaktan dahil alam kong nasasaktan ko si Ian sa mga ginagawa ko. Kasama na rin ang mga taong mahal ako, nasasaktan ko sila dahil sa pag-iwas ko.

Napagdesisyunan kong pumunta sa mall ngayon, mag-isa.

Btw, maraming projects ang binawi sakin. Hindi ko alam kung sinisiraan ba ako ni Sofia o ano eh. Pero nasira na yung career ko simula nang siya ang maging manager ko.

"A-aray!" Napaatras ako dahil sa impact ng pagkakabangga ko sa lalaking to.

"Sorry miss!" Paghingi niya ng tawad.

"W-Wade? Wade Tredford?!" Paninigurado ko.

Halata sa mukha niya ang pagkabigla dahil siguro kakilala ko siya. Binaba ko ng mabilisan ang glasses na suot ko. "Ahh, Cha Salvador!" He smiled. I'm sure naman na alam niyang ako si Chand Salva na unti-unti nang nalalaos.

Hindi naman sa pinapangunahan ko ang mga pangyayari pero parang ganun nadin naman ang mangyayari eh! "Ah, sorry nga pala ah! Naka-focus kasi ako sa phone ko." Pagtukoy niya sa banggaan namin kanina.

"Okay na yun. Kamusta ka?" Ngayon lang ulit ako kumausap ng tao at hindi ko akalain na itong tao pa na ito ang makakausap ko.

"Ayos lang naman. Ikaw? Kayo ni Lance?" Tanong niya.

Ngumiti lang ako bilang sagot.

"Bad question ata. Hmmm, let's have a coffee? Treat ko." He smiled again.

Tumango ako. He held my hand. Hindi nalang ako nag-react at sumunod nalang sakanya.

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano ni Wade. Hindi sinasali ang mga hindi dapat isali sa masayang usapan. Napaka-komportable ko agad sakanya. Ang gaan ng pakiramdam ko sakanya.

"Chandria" tawag sakin ng isang napaka-pamilyar na boses mula sa likuran ko. Malamig ang pagbanggit niya ng pangalan ko.

Hindi ako makalingon sakanya na kabaliktaran naman ni Wade, humarap siya sa taong iyon.

"Oh, Lance! Sinusundo mo na ba ang girlfriend mo?" Pangaasar na bati at tanong ni Wade sakanya.

Nagi-guilty na rin ata ako kay Lance at sa iba pang taong pilit na kausapin ako.

Si Wade, sa hindi pa inaasahang lugar at pangyayari ko nakilala at ngayon lang muli nakausap tas siya pa ang kakausapin ko ngayon? Ang unfair nun sa iba.

"Chandria" tawag niya muli sakin mula sa likuran ko ng hindi sinasagot ang tanong ni Wade.

Galit ba siya?!

Dahan-dahan akong humarap sakanya. "L-Lance"

"Ang alam ko lumalayo ka sakin, sa mga kaibigan mo, kay Ian at sa parents mo." Malamig niyang tugon sakin.

Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon