Chapter 4

667 7 0
                                    

CHAPTER 4

Lance's POV

Hi! Ako si Lance Patrick Garcia, call me Lance, 18.

Like Rain, Matt, Ian and Ivan, ganun din naman ang appearance ko kaso nga lang higit na MAS lamang nga lang ako ng limang ligo. HAHAHAHA!

I know, naguguluhan na kayo kung anong meron samin ni Chandria. I'm his ex-boyfriend and I miss her so much kung hindi lang sana ako naging gago noon edi sana kami pa rin hanggang ngayon diba?

Ang tanga ko kase pero ngayon, sigurado na ako, babawiin ko ulit siya. Mangungulit ako sakanya hanggang sa maging akin ulit siya.

***

Everdeen Academy

Mage-enroll ako ngayon sa school kung saan naga-aral si Chandria, seryoso ako sa sinabi kong babawiin ko siya.

Miss ko narin ang barkadahan naming at para alam niyo, walang mga kaibigan na babae si Chandria dahil obviously ayaw niya.

Hindi siya malandi o kahit ano pang naiisip niyong tawag sa isang babae na puro lalaki ang mga kasama at kina-kaibigan, ayaw niya lang talaga sa ugali ng mga kapwa niya babae. Ang pa-plastik daw kasi.

Wala masyadong tao ang matatagpuan sa school grounds dahil na rin sa mga nasa klase pa ang mga estudyante at sinadya ko talaga yun kasi panigurado kung sumabay ako sa mga estudyante dito na pumasok, pagkakaguluhan ako at malalaman agad ni Chandria na nandito ako pero kahit papaano, naka-disguise naman ako.

Gusto ko pa naman ma-surprise siya pero panigurado mas lalo lang maiinis yun sakin, lalo na't nasa iisa pa kaming school pero sabi ko nga, babawiin ko siya kaya magiging mapag-pasensya ako.

"Sir? May I help you?" sabi ng isang babaeng nasa 30's na nakahalata yatang may hinahanap ako.

Hindi niya malalaman na ako si Lance Garcia na sikat na model at artista like Chand Salva kasi nga naka-disguise ako.

"Hmmm, san po ba dito yung cashier? Mage-enroll po kasi ako eh." Magalang kong sagot.

"Ahh, doon hijo." Turan niya sa akin ng may ngiti sa labi at sabay turo dun sa opisina. Nag pasalamat ako at tumungo na sa opisina para mag-enrool na.

"Miss, mage-enroll po ako." Ani ko sa babaeng empleyado sa cashier.

"Uhh, name?" tanong niya sa akin ng may bakas na pandidiri at pagaalinlangan kung kukunin nga ba niya ang pangalan ko.

"Lance Patrick Garcia" taas noo kong sagot sakanya.

"Lance Garcia? Hindi bagay sa itsura mo huh" pagtataray niyang turan sakin kasabay pa nang pagtataas niya ng kilay. Nako! Kailan ba mawawalan ng ganitong klaseng tao?!

"Lance Patrick, name ko." Kalmado kong inulit ang pangalan ko at 'di ko na lang siya sinagot sa pambabastos niya sa akin.

Ang disguise ko kasi ay yung mukhang nerd na pang-bully, ganun! Yung mukhang gusgusin at kaawa-awa. Hindi sa inaano ko kung may ganung tao, gusto ko lang din malaman kung anong klase bang mga tao ang mga nandito basta mag-imagine nalang kayo kung ano itsura ko tss

"Pero alam mo naman siguro ang mga qualified sa school na 'to diba?" yes! Mga pinagpala, mga alive na alive nung umulan ng kagandahan at kagwapuhan at naka-sampung drum at higit pa ata ako nung araw na nangyari yun, mahangin ano? BLEH!

"Oo." Simple ko na lang na sagot.

"So, alam mo naman pala. Eh, bakit ka pa nage-enroll?" patuloy na pagtataray niya talaga sakin. Nako ha! Pigilan niyo 'ko! Mananapak na 'ko ng babae! Grabe kasi makalait eh!

Yah! I know, school 'to ng mga models, artists, actress/actors, richkids and the likes pero di naman sila dapat manghusga eh kainis

"Eh kase gusto ko. So, kung hindi mo ko page-enroll-in baka gusto mong gumapang palabas ng academy na' to?" pananakot ko sa kanya dahil talagang naiinis na ako.

"Ah, oh! E-eto na y-yung mga kailangan mong p-pirmahan." Uutal-utal niyang sabi at sabay abot nung mga papers na kailangan kong pirmahan. Kailangan pa takutin para tumigil eh.

Ipinasa ko na rin sakanya matapos kong pirmahan ang dapat pirmahan at kinuha na rin ang sched ko. Pagkatapos ay nag libot na lang muna ako sa campus dahil maya maya pa ang simula ng unang klase ko.

Pinasadya ko nga pala na maka-parehas ng sched si Chandria para alam niyo na mas mapadali yung pagbawi ko sa kanya.

Nang tumingin ako sa relo ko, napansin kong ilang minuto na lang pala ang natitira bago magsimula ang unang klase ko kaya't napagdesisyunan kong dumaan muna sa cr para tanggalin ang disguise ko at mas mag mukhang presentable.

At ngayong ayos na ako at handa na akong pumasok sa unang klase ko muli ay naglakad na ako sa hallway papunta sa unang klase ko. Sa paglalakad ko, samu't saring ingat ang naririnig ko sa paligid ko at karamihan ditto ay mga tilian ng kababaihan dahil nga nandito ako sa Academy na 'to.

Sanay naman na makakita ang mga estudyante dito ng mga model pero syempre kapag bago ka at sikat ka, pagkakaguluhan ka. Siguro mga 1 week to 2 weeks magiging laman ka palagi ng balita sa campus na 'to.

Narating ko na ang classroom ko at sa pagpasok ko ay makikita mo ang lahat na nagulat, napatunganga at natulala. Wala eh, pogi eh! Nung mahimasmasan na sila kung sino ako ay ayun nagsi-tilian na rin at nag-ingay maliban sa isa.

Nakita at nahuli agad ng mga mata ko si Chandria, nakatulala sa bintana kaya't pinuntahan ko agad.

"Chandria.."

Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon