Chapter 14

332 6 0
                                    

CHAPTER 14

Chand's POV

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko.

Inabot ko ang cellphone ko na kanina pa tumutunog.

"Hello.." Pambungad ko sa tumatawag pero joke lang pala...hindi pala akin yun.

Umupo ako at hinanap ang hindi pa rin tumitigil na pag-ring ng cellphone.

Tumayo na ako at tumungo malapit sa pinto. "Cellphone 'to ni Lance ah." Bulong ko sa sarili ko.

SM calling...

"Sino si SM?!" sasagutin ko na sana ng biglang tumigil ang ring ng phone.

Inilapag ko sa side table ang phone ko at phone ni Lance at umupo muli sa kama ko.

Ang naalala ko lang kagabi ay yung kine-kwento na ni Lance ang past relationship nila ni Sofia. And after nun wala na. Nakatulog na ako at eto na nagising nalang ako sa kama ko, inakyat siguro ako ni Lance. Baka mabigat ako!! HALA!

Pero alam ko may narinig ako na ginamit eh.. Hindi ko lang matandaan.

Nag-beep ang phone ko.

"Gising ka na ba? Good morning babe! J Hindi ka na pumunta dito kagabi. Hinihintay pa naman kita. L" si Ian.

Ayy shit!! Oo nga pala! Ano ba yan Chand!

"Ahh, sorry. Naka-tulog kasi ako dahil din siguro kakaiyak. Sorry babe! L" reply ko.

Ngayon lang ako nag-sinungaling kay Ian ng tungkol sa relationship ko. Nagi-guilty ako.

"Really babe? :/"

Is he doubting? May alam kaya siya?

Napag-desisyunan kong wag nalang replayan. Bahala na kapag nagkita kami.

Kinuha ko ang phone ni Lance puro texts at missed calls nung SM. Alam kong mali pero gagawin ko. Binuksan ko ang convo nila sa messages.

"Good morning baby! J"

"I already missed you. L"

"Hey, why are you not replying? L"

"Baby!!!"

"Are you with Chand? Text me pls"

"Hey baby! Nagseselos ako."

"Wth! Mag-reply ka!!"

"Kasama mo ba si Chand? Tell her, she's a bitch!"

"Baby.. I love you! :*"

"Baby, I'm still inlove with you."

Yan yung mga texts na nabasa ko na obviously ngayong umaga lang lahat na tinext. May 4 missed calls.

SM? Curse you! Lance is mine and only mine.
May kaagaw na nga ako eh at kapatid ko pa tas dadagdag ka pa? Wtf!

Lance's POV

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa bahay at pabalik-balik sa kotse ko, hindi ko mahanap ang cellphone ko!!

Imposible namang naiwanan ko sa bar kagabi, yep! After ko sa bahay nila Chandria, dumeretso ako sa bar. Hindi naman ako nagpakalasing, shot lang naman. Kaya imposible na doon ko maiwanan ang phone ko! Imposible din malaglag dahil malalim ang bulsa ng pantalon ko.

Hindi kaya kela Chandria ko naiwanan? WAG SANA! Nagte-text palagi sakin si Sofia ng kung anu-anong texts! Baka bigyan ako ng maling bintang ni Chandria!! Mahirap pa naman siyang suyuin.

Napagdesisyunan kong pumunta pabalik sa bahay ni Chandria.

"Good morning tito, t-tita! Si Chandria po?" Ewan ko ba pero nagi-guilty ako sa ginawa ko kay Chandria kapag nakikita ko ang mama niya siguro dahil may alam siya sa ginawa ko dati.

"Nasa taas, umakyat ka nalang." Sagot sa akin ni tito Ed. Halatang may inis pa rin siya sa akin.

Nagpaalam na ako sakanila at umakyat na sa kwarto ni Chandria at kumatok.

Pagbukas niya ng pinto ay nakita ko ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Chandria pero nabawi naman niya agad yun.

"C-Chandria, ano.. n-nakita mo ba yung..." Bago ko pa ituloy ang sasabihin ko pumasok siya sa kwarto niya at iniwang bukas ang pinto, nagtungo siya sa side table niya.

Literal na nanlaki ang mata ko, nadun nga sa tabi ng phone niya ang phone ko! Mukhang nagalaw na niya iyon. "Ah, C-Chandria.." At bago ko na naman ituloy ang sasabihin ko humarap na siya sakin at inabot ang phone ko.

"Makakaalis ka na." Ang cold niya. Hindi pa rin niya siguro nage-gets ang mga nangyari dahil nga nakatulog siya kagabi, ang alam niya lang nagka-relasyon kami ni Sofia. Hay

"C-Chandria! Gusto kong ituloy ang pag papaliwanag sayo ng lahat." Tumingin siya ng matalim sakin.

"Sa susunod na Lance! Kailangan ko munang mag palamig. Nagiinit ang dugo ko sayo. Lumayo ka muna." Huminto siya at huminga ng malalim "marami ka pa talagang dapat ipaliwanag sakin. Ipaintindi mo na sakin sa susunod." Pagpapatuloy niya.

Tatalikod na sana ulit siya pero hinawakan ko siya sa braso "tayo pa ba Chandria?" Tanong ko.

Inalis niya ang braso niya sa kamay ko. Hindi siya tumitingin sakin. Hindi rin siya sumagot.

Pumasok siya sa cr ng kwarto niya ng walang iniiwang salita, dahilan upang lumabas na ako ng kwarto niya at umalis ng bahay niya.

Dumiretso ako sa sasakyan ko at nagmaneho lang kung saan-saan. Maya-maya naramdaman ko nalang ang panlalabo ng paningin ko, naiipon ang luha na gusto nang bumagsak.

Itinabi ko ang sasakyan ko na sakto namang sa may park kung saan nakita ni Chandria ang ginawa namin ni Sofia.

Patuloy na ang tulo ng luha ko, patuloy ko ring pinupunasan at pinipigilan pero nonsense. Ang bading ko na ba? Ofcourse not! Tao rin ako, nasasaktan at may karapatang maglabas ng nararamdaman.

Nung araw na yun, hindi ko naman in-expect na si Sofia ang humalik sakin ng araw na yun eh! Nakaupo lang ako sa bench at may biglang nagtakip ng mata ko, tinawag ko ang pangalan ni Chandria pero hindi sumagot at hanggang sa umupo siya sa tabi ko habang nakatakip pa rin ang kamay niya sa mata, bigla niya akong hinalikan. Hindi ko alam pero oo gumanti ako, nagustuhan ko rin ang ginawa namin pero ang buong akala ko si Chandria yun pero nagkamali ako!

Marami talagang namamatay sa maling akala.

Huling punas sa mukha kong basang-basa, haha! Mahal na mahal ko na talaga si Chandria. Ang tanga ko rin kasi pinakawalan ko pa siya noon.

Eto tuloy ako, nagsisisi. Masasabi kong nasa huli talaga ang pagsisisi.

ANG TANGA KO!!    

Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon