Chapter 6

589 5 4
                                    

CHAPTER 6

Lance's POV

Hinatid ko si Chandria sa kanila kasi for sure miss niya rin talaga ako, HAHAHA! Masanay na kayo sa pagiging mahangin ko. Alam ko naman kasing may maipagmamalaki ako.

Papasok na sana ako sa main door ng bahay namin ng mapansin kong bukas ito at dahil madilim di ko sila makilala at lalo na maaninagan pero dahil sa nagsalita, alam ko na kung sino ang mga ungas na 'to.

"Hoy! Nawala ka lang mukhang kinalimutan mo na kami ah!" pambungad sa akin ni Rain sabay inakbayan ako.

Kabisado ko pa rin ang mga boses ng mga ugok na 'to dahil nako daig pa si Chandria kung dumaldal.

Pano pala nakapasok ang mga 'to dito sa bahay?! Eh wala namang tao at panigurado ay naka-lock ito at nakapasok na nga lahat lahat eh hindi pa binuksan ang mga ilaw, nagtitiis sa dilim ang mga loko.

"Oh, ginagawa niyo dito at paano kayo nakapasok ha? Ay oo nga pala! Pinaghihinalan kayo ni Chandria na nang chi-chix! Lagot kayo! Hahahaha!"

Inabot ko na ang switch ng ilaw na dahilan para maalis ang pagkaka-akbay sa akin ni Rain dahil para kaming mga tanga na nagkakapaan sa bawat isa habang mga loko na naguusap sa kadiliman.

"Yun agad bungad mo samin? Tss di mo ba kami namiss ha?" muling banat ni Rain.

Prenteng nakaupo ang tatlo sa may sofa at maliban kay Rain na siyang sumalubong sa akin magmula nang buksan ko ang pintuan.

"Ano naman gusto mong sabihin ko? Miss na miss ko kayo? Ganun ba Rain?" sinapian na naman yata ng kabadingan ang loko.

"Oo, hihi" confirmed, HAHAHA! Nakita kong napailing na lang ang tatlo.

"Ang bakla mo Rain!" sabat ni Ian at nilapitan na ako.

"Tama pero mga bro, namiss ko kayo!! Pa-hug ngaaa!" banat ko at akmang yayakapin ko na si Ian na parang isang malanding babae.

"Ang bakla mo din eh psh" komento niya habang inaalis ako sakanya.

"Biro lang, ang seryoso mo ha pero bakit nga pala wala kayo sa school kanina? At uulitin ko ulit paano kayo nakapasok dito??" pagu-usisa ko.

"Nabalitaan kasi namin na papasok ka na sa Academy eh" pabirong sabi ni Ivan. Paniguradong sa tito niya mismo nalaman ang balitang yan.

"So ayaw niyo, ganun?" biro ko.

"Oo, ayaw naming." Seryosong saad ni Ian.

"Sus baka ikaw lang may ayaw, Ian? Baka kasi maagaw ko ulit sayo si Chandria?" napataas kilay kong tanong sakanya sa tonong seryoso. Mukhang nag iba ang atmosphere ng bahay ko hmmm

"Mukha mo! Gusto ko lang protektahan kaibigan ko!" pahayag niya kasabay nang pagtataas niya sakin ng boses.

"Tumigil na kayo! Manlibre ka na lang samin at para rin makapag-usap na tayo nang masinsinang lahat. Ang iingay niyo!" as usual, si Matt na ayaw nang kaingayan.

"Oo na! Tara!" gatong naman ni Rain.

Kumalma na si Ian, ganito naman kaming mga lalaki, salitaan at bulyawan, maaaring pisikalan pero kapag natapos ay magiging ayos naman na ulit.

Ginamit namin ang sasakyan ko dahil mga tamad 'tong mga kasama ko sa pagmamaneho kaya obviously, ako ang driver nila. Katabi ko naman ditto sa passenger's seat si Ian at sa likod ang tatlo.

"Hoy! Bakit nga wala kayo kanina??" muli kong pagu-usia sakanila. Paulit ulit na talaga ako pero itong mga 'to napaka-ewan, ayaw na lang akong sagutin.

"Nang chix" simpleng sagot ni Ian habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Mukha mo! Saan nga? At paano nga kayo nakapasok sa bahay ko, mga ugok??" pangungulit ko.

"Makakalimutin ka na ba talaga tol? Diba naging tambayan nating mga lalaki ang bahay mo? At may isang lugar tayo ng taguan para sa susi ng bahay mo??" pagpapa-alala sa akin ni Ivan.

Oo nga palaaa! Sa sikretong doormat HAHAHAHA! Bakit nga ba nakalimutan ko?? Eh sila nga lang pala ang may alam nun, mga bwiset! Napangiti at napailing na lamang ako ng dahil sa pagiging makakalimutin ko at nagsi-tawa naman ang mga ugok na 'to.

After naming kumain, nagkasundo kaming apat na bumisita naman sa bar nila Rain para syempre night-out namin at parang reunion na rin.

Napag-alaman ko rin na nanggaling pala 'tong mga 'to sa Baguio, kahapon daw sila umalis at umuwi rin kanina. Mga madadaya, hindi marunong mag-aya! Nako sa oras na malaman ni Chandria, sigurado akong magtatampo yun dito sa mga 'to.

"Hoy, magkwento ka naman sa mga nangyari sayo after ng break up niyo ni Cha!" panimula ni Rain sa kwentuhan. Napaka-daldal talaga, HAHAHA!

"Secret" maikling saad ko na sakto ring dumating na ang mga drinks na in-order namin.

"Psh. Pangit mo Lance!" epal ni Ivan. Mukhang interesado talaga sila sa kwento ko nang matapos yung sa amin ni Chandria noon.

"Hoy! Ako ang pinakapogi sainyo!" depensa ko sakanila at sabay tawa para na rin maiiwas ang usapang gusto nilang pag-usapan.

Napansin kong si Matt ay hindi talaga nagsasalita pero sa pagkakataong 'to "makapal ka" pambabara ni Matt.

At ayun, nagsimula na nga at nagtuloy-tuloy pa ang asaran naming. Namiss ko 'to! After so many months or a year? Grabe! Nakakamiss pala talaga 'tong mga taong 'to!

"By the way, bakit 'di natin isama si Cha dito? reunion naman ata 'to eh?" tanong ni Ivan at mataman kaming tinignan bawat isa na parang humihingi nang permiso.

Napaisip din ako at oo nga naman, barkadahan namin 'to "oo nga mga tol? Ano tawagan ko na ba para sumunod o sunduin ko na lang?" tanong ko sakanila.

"H'wag Lance." Pag tutol sa akin ni Ian na lubos na pinagtaka ko.

"Bakit? Ang KJ mo naman pre!" komento ko sa kanya.

"Hindi naman sa ganun" seryosong sabi nito at tinitigan akong mabuti "pero kasi pre, babae pa rin yun at diba nga boys night-out natin 'to??" kunwari protective pero for all I know ayaw niya lang kaming makitang mag kasama.

"Baka naman nagseselos ka lang pag nakita mong mag kasama sina Lance at Cha??" pambabara ni Ivan kay Ian na siyang kina-hagalpak nang tawa naming lahat pati na rin ni Matt. Hay! Natumpok netong mga kumag na 'to ang pinupunto ko! HAHAHAHAHA!

"Mkha niyo!" sigaw ng pikon na si Ian at sabay-sabay kami binatukan.

"..POGI!" sabay-sabay naming tatlo na binara kay Ian at muli ay nag tawanan. HAHAHAHA!

We all enjoyed our night at nag catch up sa bawat isa. Muli ay nagkasama-sama kami at nagkaisa. I can say that its good to be back!

Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon