Chapter 11

358 4 0
                                    

CHAPTER 11

Chand's POV

Ilang days na ang lumipas, hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga narinig kong salita nung isang araw tsk

Wala nga ba akong pakielam sa mga taong nagmamahal sakin? Pinapaasa ko lang ba talaga sila?
Sinasaktan ko ba o nasasaktan?

Hindi naman siguro. Sana.

Nag-sorry na 'ko kay mom sa ginawa kong rudeness nung nakaraang araw at natanong ko na rin yung about sa break-up namin ni Lance noon kung bakit niya o nila ginawa yun. Para lang daw sa ikabubuti ko pero hindi ako satisfied dun eh!

Nung mga oras na sinasabi sakin ni mom yun, pinipilit niya akong iwasang tignan. Alam kong hindi totoo ang mga sinasabi niya.

I'll let this pass kahit masakit pa.

Papunta ako sa shoot namin ni Lance. Ugh!

Obviously, hindi pumayag si Manager Jee sa favor ko. Hindi pa rin naman kami okay but ofcourse kailangan ko pa rin mag trabaho tsk

Kanina pa ko paikot-ikot dito sa place ng shoot dahil hinahanap ko si Manager Jee pero wala. Hindi ko mahanap!

"Nasaan si Manager Jee??" Tanong ko dun sa isang staff.

"Ms. Chand, hindi niyo pa po ba alam?" Magtatanong ba ko kung alam ko? Tsk

Tinaasan ko siya ng kilay "obvious"

"Ahh, ano po.. Tinanggal na po bilang manager ng head nila kapalit po kasi nun yung hindi po pagtuloy ng shoot mo kay Lance Garcia." Literal naman na napanganga ako sa nalaman ko.

"Eh sino na magiging manager ko??" Grabe naman yung sacrifice ni Manager Jee, omg!

"Papunta na po siya, na-traffic lang daw po" tumango ako at tsaka umalis.

Naupo lang ako dito sa tabi habang nagshshoot yung iba ng mga scenes.

Hindi pa rin dumadating yung sinasabi nilang bago kong manager.

"Chand! Scene mo na!" Napatayo na ako at pumunta na dun sa shooting area.

Tinuro na sakin yung mga gagawin ko at agad ko namang in-arte.

Natapos ang shooting at next shoot nalang daw yung iba pa pero wala pa rin yung sinasabi nilang manager ko, pupunta pa ba yun?!

"Chand! Nandito na yung manager mo!" finally!

"Okay, Chand meet Sofia Montiel your new manager" nagulat ako sa muling pagkikita naming dalawa pero agad ko ring itinago 'to.

"Hi Chand, nice meeting you." Bati niya and she smiled.

***

"Eto pa yung mga gagawin mong projects" sabi niya kasabay ng paglalahad ng sandamakmak na papeles sa harapan ko.

Alam niyang kapatid niya ako, siguro hindi niya lang alam na alam ko na.

Siguro mas makakabuti kung pansamantalang magpapanggap ako na walang alam sa tunay na katauhan naming dalawa. Baka mas makakabuti ito.

Nasa living room kami ng bahay habang si mom nasa kitchen. Nagpprepare ng merienda. Sabi ko kasi may bisita ako, gusto niya special naman ang pagkain kaya yun siya ang nagluto or should I say, nag-bake.

Hindi niya alam na ang anak niya ang bisita ko at ang bago kong manager.

"Mag-merien-" sabay kaming napalingon ni Sofia sa gawi ni mom na kalalabas palang ng kitchen, naka-apron at ponytail, may dala ring baked cookies. Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil siguro SA pagkabigla dahil mag kasama kami ni Sofia.

Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon